Chapter 24

12 3 0
                                    

Chapter 24: Krystal's Dark Past (Part 2 At Kuneho's Mansion)

Krystal's Point Of View

"I told you to not touch anything..." a-ang kanyang matigas at malalim na boses ay kaagad na nagpatayo sa aking balahibo.

Seryoso ang kanyang mukha at mukhang hindi talaga nakikipagbiruan.

Napalunok ako ng laway bigla at nakaramdam nalang ng kaba, "A-ay sinabi mo pala 'yun? Hehehe 'di ko narini-"

"My instructions were clear but still, you didn't listen." pagputol niya sa 'kin pagkatapos ay dahan-dahan lumapit sa mukha ko.

L-LOH!

Kaagad akong umatras palayo sakanya samantalang siya ay hakbang ng hakbang palapit sa 'kin hanggang sa malamig na pader na ang nasa likuran ko at wala na akong maatrasan.

Mas lalong pang bumilis ang tibok ng aking puso at hindi nalang nakagalaw sa aking kinatatayuan. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin na nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga.

Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin sakanya, "P-pwede ka bang lumayo? H-hindi ako makahinga ng maayo-"

"No."

A-anak ng-

Agad kumunot noo ko sakanyang sinabi saka inis siyang tinignan, "Timang ka ba? L-lumayo ka nga!" inis na may halong kabang sabi ko sakanya.

"Are you dictating the owner of this house?"

*Badum*

K-KUMALMA KA NGA PUSO!

Alam kong wa epek sakanya kung magsisinungaling ako ngayon dahil magtatanong at magtatanong lang siya sa 'kin kaya mukhang wala akong choice kundi aaminin sakanya ang totoo...

"P-pasensya n-na G-Giovanni. 'D-di ko sinadyang h-hawakan. N-nagandahan lang k-kasi ako sa p-picture frame..." kinakabahang sabi ko at yumuko.

"You said you didn't hear what I've said earlier, " mas lalo pa siyang lumapit sa 'kin, "did you just lie to the Rank One Elite Student, undercoin?"

Paktay...

B-bumalik nanaman ang kanyang nakakatakot na awra...

Ang awra ng isang 'Rank One Elite Kent Giovanni'.

"A-ano kasi... Mga magulang mo?"

Bigla-bigla nalang lumabas ang mga salita na 'yon sa aking bibig na walang preno. Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang aking sinabi saka dali-daling tinakpan ang sariling kong bibig.

H-HALA!

BAT KO 'YUN NATANONG?!

BASE SA MGA SINABI NG MGA KAPATID NIYA KANINA MUKHANG MAY SAMTING SA PAMILYA NILA!

BAKA MAGAGALIT SI KUNEHO!

Kaagad nag-iba ang mukha ni Giovanni nang marinig ang aking sinabi dahilan para mas lalo pa akong kinabahan.

TARANTADO KANG BIBIG KA!

Seryoso niya akong tinitigan sa mga mata at mas lalo pang lumapit sa akin.

"Don't pry into my fucking life." malamig at seryosong sabi niya sa akin. Isa lang naman ang nakikita kong emosyon sakanyang mukha,

Galit.

Rikion HighWhere stories live. Discover now