Chapter 10

19 4 0
                                    

Chapter 10: Secret No More

Krystal's Point Of View

Walang masyadong nangyayari sa araw ko ngayon.

Utos lang naman galing sa mga timang, iniirapan lang naman sa kampo nila Jenny, sinasamaan lang naman ng tingin sa mga badi-badi ni Irene, tinitignan lang naman sa kampo nila Noel at kunting chikahan lang naman ni Levi.

Hindi na shocks sa 'kin ang mga ugali nila dahil nasasanay na 'ko ngunit 'yung shocks sa 'kin ngayon ay hindi na ako pinapansin nila Kurtt.

Oo mga teh, hindi na nila ako pinapansin.

Mukhang galit na galit talaga siya sa 'kin.

Nakita ko silang apat kaninang umaga sa gate pero hindi nila ako pinansin.

Kitang-kita ko sa mga mata nila Shaneena na gusto nilang lumapit sa akin ngunit hindi nila magawa dahil nandun si Kurtt.

Parang ayaw nilang iiwan si Kurtt dahil baka iisipin niyang kinakampihan nila ako.

At naiintindihan ko naman 'yun.

Sa totoo lang, gusto ko nalang umabsent kung ganto lang naman ang araw ko.

Pagod na pagod na ako sa mga utos nila Giovanni at feel ko rin na parang nawawalan na ako ng gana...

Ano kaya ang gagawin ko...

"Krystal, wanna grab lunch?" napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Levi sa aking tabi.

Mabuti nalang talaga na nandito si Levi, kinakausap ako palagi.

Hindi na ako nagmumukhang loner dahil sakanya.

Napangiti nalang ako at kaagad na tumango sakanya, "Sige-"

"Hoy! Lemme borrow your notes!"

ANAK NG-

Dahan-dahan akong napatingin kay Giovanni nang marinig ang kanyang boses.

Nakita ko siyang nakacrossarm sa kanyang upuan habang nakatingin sa 'kin.

Ayan nanaman siya...

"Nagbibiro kaba?" kalmado kong tanong sakanya habang pinipigilang sumabog sa Inis.

Sana nagbibiro ka lang.

"No. Lemme borrow your notes."

POT-

'LEMME BORROW YOUR NOTES'?! PAGKATAPOS PUNITIN 'YUNG NOTEBOOK KO KANINA?!

Kanina kasing umaga habang nagdidiscuss si ma'am, tahimik akong nag nonote-taking sa upuan ko kaso biglang kinuha ni Giovanni ang aking mga notes dahil kokopya raw siya pero-

BIGLANG PINUNIT NI TIMANG!!!

Parang​ biglang umabot dugo ko sa utak dahil sa sobrang inis at walang nagawa kundi inulit ang lahat at ngayon hihiramin nanaman niya?!

INUUBOS NIYA BA PASENSYA KO?!

"Eh pano kung ayoko?! Hihiramin mo tas pupunitin mo nanaman?! Nagbibiro ka ba ha?!" inis kong tanong sakanya at napakuyom nalang ng kamao.

Kaagad kumunot noo niya saka seryoso akong tinignan, "Have your forgotten the punishme-"

"SYEMPRE HINDI! TIMANG KA BA?!" napasigaw nalang ako sa sobrang inis.

SOBRANG SAKIT NA NG KAMAY KO KAKASULAT ULIT SA MGA NOTES KO AT PUPUNITIN LANG NIYA?!

Wala pa nga ako sa mood dahil nagtatampo sila Kurtt sa 'kin at dumagdag pa 'tong timang na 'to sa problema ko!

Rikion HighWhere stories live. Discover now