Chapter 25: Rainstorm (Part 3 At Kuneho's Mansion)
Krystal's Point Of View
"Wow nice story..." kaagad kong sinamaan ng tingin si Giovanni pagkatapos niyang sabihin 'yun.
Kinuwento ko ang lahat lahat pati na ang karanasan ko sa pag-ibig tapos 'yun lang ang sasabihin niya?
NICE STORY?! ANONG NAKANICE DUN?! NAGJOJOKE BA SIYA HA?!
"Halos maubusan na ako ng laway dito at 'yun lang ang sasabihin mo?!"
"Eh ano ba dapat?! Icocongrats ka?!" sarkastikong sabi nito dahilan para nagsimula nanamang kumukulo ang dugo ko.
Kalma... kalma...
Sana hindi ko nalang sinabi sakanya...
Sinayang ko lang ang oras ko na dapat sana sa mga oras na 'yun ay umuwi na 'ko at nagtitinda na ng ginanggang.
Kumita na sana ako...
Mukhang napansin naman ni Giovanni ang biglaang pagkatahimik ko kaya tumikhim ito upang makuha ang aking atensyon.
"Sooo do you have any thoughts while hurting him?" biglaang tanong niya.
Tumingin ako sakanya saka umiling bilang sagot, "Wala. Mga bulong lang." tugon ko.
Paano kung isa pala akong baliw at gumising nalang na nasa mental hospital ako?
Normal pa ba 'yung may bumubulong sa 'yo sa tuwing may nakikita kang taong sinasaktan? Dugo sakanilang katawan? O ket matamaan ulo mo? Tapos minsan sinusunod pa 'to ng katawan mo kahit ayaw ng utak mo?
Sa 'kin kasi parang hindi na...
Parang ewan na ano.
"What else did that man do to you?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin.
'Di ko naman inasahang tanungin niya 'yun kaya agad akong umiwas ng tingin at napayuko.
Naaalala ko nanaman 'yung mga ginawa ni Cyrel sa 'kin dati...
Oo, 'yung karanasan ko sa pag-ibig na pilit kong ibaon sa limot ngunit bumabalik pa rin.
"Sinasaktan nga..." tugon ko naman sakanya.
"Like how?"
"A-ano basta... sinasampal..." tipid kong sagot at huminga ng malalim.
"Is that all-"
"Sinusuntok, hinihila ang buhok, sinasakal, pinagsasabihan ng mga masasakit na salita, at iba pa. Basta- yoko ng pag-usapan pa..." dagdag ko pa saka tumingin sa aking pulsuhan kung saan ang aking peklat.
Dito kasi ako pinasoan ni Cyrel ng yosi dati sa tuwing hindi niya nakukuha ang kanyang gusto. Naalala kong wala akong ginawa at hinayaan lang siyang saktan ako.
Kahit na nasasaktan na ako ng sobr-
Sandali akong natigilan sa pag-iisip nang biglang hinila ni Giovanni ang pulsuhan ko.
"Hoy ano b-"
"He did this to you?" malamig at seryoso niyang tanon habang tinitignan ang aking peklat pagkatapos ay tumingin sa akin.
Kaagad akong nilamon ng takot at kaba sa seryoso ng mga tingin na pinupukol niya sa akin at napalunok ng laway agad.
"A-ano... o-oo..." tugon ko at tinago ang kamay sa likod.
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...