Chapter 28: Room Number
Krystal's Point Of View
"Then... PULL US!" malakas na sigaw ni Giovanni at naramdaman ko nalang na umaangat na kaming dalawa sa lupa dahilan para kaagad akong mapayakap sakanya.
T-TEKAAAAAAAA LANGGGGGGG PO KOYAAAAAAAA!
Napapikit nalang ako ng mga mata saka napadasal agad na sana matapos na ito ngunit mga ilang saglit lang, napamulat ako ng aking mga mata nang may naramdaman akong may humawak sa aking braso.
Nasa langit na ba ako?
Nakita kong nasa loob na pala kami ng helicopter hinahawakan ako ng isang lalaki sa braso upang tulungan akong ipasok sa loob.
May dalawa pa palang mga lalaki sa loob, 'yung isa ang humihila sa lubid at 'yung isa naman ang tumatanggal sa harness namin ni Giovanni na siya ring gumagabay samin papasok.
Pagkatapos niyang tanggalin ang aming harness ay kaagad niyang pinasuot sa amin ang mga malalaking headphones.
"Destination sir?" tanong nung isa pang lalaki na nasa harapan, 'yung piloto.
"Rikion High," malamig na tugon ni Giovanni.
Tumango lang 'yung piloto bilang sagot at naramdaman ko nalang na umaandar na ang helicopter.
LUMILIPAD NA SIYA!
Kaagad akong lumapit sa bintana at napatingin sa labas. Nakita ko ang mga tao sa ibaba nakatingin samin, 'yung iba nga binibidyohan kami samantalang 'yung iba naman ay kumakaway sa 'min.
Napangiti nalang ako habang tinitignan sila saka kumaway din.
Bigla kong naalala ang sarili ko sakanila nung bata pa ako. Sa tuwing nakakita kasi ako ng helicopter noon, kinakawayan ko ito.
Pinangarap ko ring makasakay ng helicopter at ngayon,
NAKASAKAY NA 'KO HEHEHE!
Sobrang taas na namin sa himpapawid na para akong nakasakay sa isang dragon. Napatingin ako sa ibaba at nakita kong may mga ilang lugar na binaha dahil sa ulan kagabi pero mga ilang segundo lang, agad akong napasigaw nang matanaw ko ang bahay namin.
"BAHAY NAMIN!!! WAAAAHHH!!" sigaw ko na para bang maririnig ako sa ibaba.
ANG KYOT NG BAHAY NAMIN!
Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang matanaw si papa sa labas ng bahay. Nakita ko siyang winawalisan ang baha na pumasok sa bahay namin na parang galing sa ulan kagabi.
"PAPAAAAAAA!!" sigaw ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.
Habang tinitignan ko si papa sa ibaba, bigla nalang akong nakaramdam ng konsensya. Naliligo na siya sa pawis at mukhang pagod na pagod siya.
Nakokonsensya ako dahil siya lang mag-isa naglilinis, mukhang kanina pa siya mag-isa diyan.
Biglang kumirot ang dibdib ko sa nakita kaya’t dahan-dahan akong bumalik sa aking upuan at tumahimik nalang.
"What's wrong?" napatingin ako kay Giovanni nang marinig ko siyang magsalita.
Nakatingin siya sa 'kin na parang sinusuri ang mukha ko, napansin niya atang nag-iba ang mood ko.
"W-wala," tipid kong tugon at umiwas ng tingin. Nararamdaman ko pa rin na nakatingin siya sa 'kin pero hindi ko siya pinansin
Babawi po ako.
YOU ARE READING
Rikion High
Novela JuvenilRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...