Chapter 20

14 3 0
                                    

Chapter 20: Kaibigan O Kaaway?

Krystal's Point Of View

"Kilala mo pala si miss Witz, Krystal?" nakangiting tanong ni ma'am sa 'kin.

Kahit na medyo masakit ang inaasta ni Abby sa akin, pilit pa rin akong ngumiti.

"Opo, Bestfrie-"

"She's just a fan." pagputol ni Abby sa akin.

H-ha?

"I don't know her, so prolly just a fan." dagdag pa niya.

Tuluyang nawala ang pilit kong mga ngiti at nakaramdam nalang ng pagkirot sa aking dibdib.

T-tama ba 'tong mga n-naririnig ko?

"Oh, so you're famous pala miss Witz?"

"Yes. I'm actually a model in Australia." nakangiting sabi ni Abby kay ma'am.

Nakita ko namang napairap sa ere si Jenny sa sinabi niya saka sinamaan pa nga siya ng tingin.

"Oh wow. Okay now, doon ka umupo sa tabi ni Mr. Quile." wika ni ma'am at tinuro si Levi.

Parehas kami ng row...

Ako, Levi, at Abby.

Tumango lang si Abby sakanya saka naglakad na papunta sa kanyang upuan.

Kahit na masakit ang mga binitawan niyang salita, pilit ko paring ngumiti sakanya pero-

hindi niya ako pinansin.

B-bat siya ganyan?

Oo, nakasanayan ko ang ugali niya pero b-bat parang kakaiba ngayon?

Bat parang ayaw niya akong gustong makita na nag-aaral dito?

°°°°°°°

Habang nagdidiscuss si ma'am sa harapan, paulit-ulit parin sa utak ko ang mga sinabi ni Abby sa 'kin kanina.

'I don't know her.'

'She's prolly just a fan.'

Ang sakit ng mga salita na 'yun na para bang kinalimutan niya lang ako pero napaisip naman ako na baka tinatago lang niya ako.

Teka- tama! Baka ganun nga!

Alam niyang hindi ako mayaman kaya baka sinabi niya lang 'yun upang itago ako.

Kaibigan ko siya sa loob na siyam na taon, syempre hindi niya ako makakalimutan!

Ilang saglit lang, bigla nang tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Nakita kong umalis kaagad si Abby sa room kaya agad rin akong umalis at sinundan siya upang kausapin siya.

Nakita ko siyang nagtungo sa cr kaya sumunod rin ako at sinara kaagad ang pinto pero nung pagkaharap ko, nagulat ako nang makita si Abby sa aking harapan.

"A-abby!" napaiktin ako sa gulat nang makita siya.

Wala siyang naging reaksyon at seryoso lang nakatingin sa 'kin habang naka cross-arms.

"What do you want from me?" may galit ang kanyang boses.

Napalunok ako ng laway sa tono ng kanyang boses at napatikhim muna bago nagsalita.

"A-ano... K-kelan ka pa nakauwi? K-kumusta na? Diba nasa Australia ka? Bat mo pala sinabi sakanila kanina na hindi mo ako kilala? Tinatago mo b-"

Rikion HighWhere stories live. Discover now