Chapter 3: A fight
Krystal's Point Of View
Ang sakit...
Ang sakit ng ulo ko...
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata nang may narinig akong mga lalaki na nag-uusap.
S-san ako?
Sobrang labo pa ng mga mata ko kaya napakurap-kurap muna ako. Nang luminaw na ito, isang madilim na kwarto ang bumungad sa 'kin.
Ang nagbibigay lang na liwanag sa kwarto ay nanggaling lang sa maliit na bintana na nasa gilid ko.
T-teka s-saan ako?
Bigla akong napapikit ng mga mata nang maalala ang nangyari kanina.
Pumasok nga pala ako rito pero teka-
Ito na ba 'yun? Ito na ba 'yung secret place? Kwarto lang?
Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit hindi ako makagalaw. Napagtanto ko nalang na nakatali pala ako sa isang upuan.
Anak ng- b-bat ako nakatali?
Inilibot ko kaagad ang paningin ko para maghanap ng kung anong bagay pang putol sa lubid na nakatali sa 'kin pero mabilis nahagip ng aking mga mata ang limang lalaking sa 'di kalayuan.
S-sino 'y-yan?
At dahil nga medyo madilim dito sa loob, hindi ko masyadong nakikita ang kanilang mga mukha.
Nakita ko 'yung isang lalaki nakatayo sa gilid, pinupunasan ang salamin niya sa mga mata. 'Yung isa naman na medyo maliit ay umiinom ng parang alak, 'yung dalawa naman ay seryosong nag-uusap at 'yung isa naman na nasa gitna ay kumakain ng lollipop habang nakaupo at nakatingin
Sa akin?
"How's your sleep princess?" biglaang sabi nung lalaki na nasa gitna sa malalim na boses.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng kaba bigla.
Bigla nalang siya tumayo sakanyang upuan at dahan-dahang lumapit sa akin. Sumunod rin kaagad 'yung apat sakanya.
Mas lalo pa akong kinabahan at sinubukan kong magpumiglas para matanggal 'yung lubid na nakatali sa kamay at paa ko ngunit sobrang higpit nang pagkatali nila sa 'kin, hindi ko matanggal.
BWISET-
Sinubukan ko rin sumigaw upang humingi ng tulong pero ngayon ko lang napagtanto na naka-tape pala ang bibig ko, hindi ako makasigaw.
A-ANO NA ANG GAGAWIN K-
Kaagad akong natigilan at mas lalo pang kinabahan nang maramdaman ang kanilang presensya sa aking harapan.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang naririnig ko na ito. Kinakabahan ako at natatakot sa mga mangyayari sa akin.
Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang mukha nila.
Nakakatakot ang kanilang awra at ang lalakas ng kanilang presensya ngunit,
Ang gwagwapo nila.
Napalunok naman ako ng laway nang grabe sila makatitig sa akin.
Para akong binabalatan nang buhay.
Seryoso silang lima nakatingin sa akin kaya umiwas ako kaagad ng tingin at unti-unting binaba ang paningin sa nametag nila at-
Paktay...
YOU ARE READING
Rikion High
Ficção AdolescenteRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...