Chapter 5: First Day, First Punishment
Warning: Contains strong language and profanity. Might find it offensive.
Krystal's Point Of View
Mukhang hindi kami makakalabas dito ah...
Para akong naistatuwa sa aking kinatatayuan nang makita ang loob.
Bumulaga sa 'min ang mga nagkakalat na mga gamit, mga agiw sa kisame, maalilabok na mga mesa, silya at bookshelves.
May mga daga pa nga na nagsitakbuhan at mga ipis na nagsiliparan. Sobrang rumi, kalat at maalikabok dito na para akong hihikain.
"Oh my money..."
Dahan-dahan akong napatingin sa aking mga kaklase at kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang labis na pagkagulat at parang hindi makapaniwala.
"Sa lahat ng ipinarusa sa 'tin ni headmistress Karina, ito ata ang pinakamalala sa lahat," sabi ni Alexander.
"I can't believe this shit, " hindi makapaniwalang sabi rin ni Ajay(FKs).
Nagulat naman ako nang biglang sumigaw sila Jenny nang nagsiliparan ang mga ipis sa kanilang mga buhok.
"WAAAAAAHHHHH!!"
"AYOKO NAAAAA!!"
"LET ME GET OUT OF HERE!!"
"YUCK! SO KADIRI!!"
Sigaw nila.
"Krystal! Don't move!" kaagad akong napalingon sa bumanggit sa pangalan ko. Nakita ko naman silang lahat nakatingin sa 'kin na parang natatakot.
"Hmm? Bakit?" tanong ko naman kay Levi na siyang nagbanggit. Pansin ko na para siyang natatakot habang nakatingin sa 'kin.
"C-cockroach." kabadong sabi niya at tinuro ang buhok ko. Lumayo naman silang lahat sa 'kin at tinitignan ako na may pandidiri sa mukha.
Hm? May ipis sa buhok ko?
Naramdaman ko itong unti-unting gumagapang palapit sa mukha ko kaya kaagad ko itong kinuha at nilagay sa sahig pagkatapos ay tinapakan dahilang nagkalat ang mga laman nito.
Pasensya na ipis, Rest in peace.
Katahimikan...
"WHAT THE-why did you touch it?! That little ugly guy carries diseases and bacteria including salmonella! Just one little touch, you're at risk becoming infected with some serious diseases!" sigaw ni Cris(ITE5) sa akin at kumuha ng maliit na alcohol sa kanyang bulsa pagkatapos ay malakas na binato sa aking mukha.
Aray ah.
Huminga naman ako ng malalim bago ko ito kinuha, "Pwede naman akong maghugas ng kamay mamaya ah, " mahina kong sabi at ngumuso pero mukhang narinig 'yun ni Cris.
"What?! Sinabi mo?!"
"Wala... Sabi ko bat nakatayo lang kayo diyan? Magsimula na tayo maglinis para makaalis na tayo rito." tugon ko naman at nag-alcohol dahil diring-diri na sila sa 'kin.
"Krystal's right, we should clean now so we ca-"
"AAAAAAAHHHHHHHHHH!!"
Bigla nalang namatay ang ilaw.
"WHO THE HECK TURNED OFF THE LIGHTS?!"
"SINO 'YUNG TUMAPAK SA GUCCI SHOES KO?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/314499706-288-k800087.jpg)
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...