Chapter 27: Trust (At Kuneho's Mansion Final Part)
Krystal's Point Of View
"You're going to sleep there," ani ni Giovanni at tinuro ang kanyang malaking sofa na nasa gilid ng kanyang kama.
Sobrang kapal na ng mukha ko na dito ako makikitulog ha pero hindi niya kasi akong pinapayagan matulog sa kusina, garahe, o ket saan. Nagbangayan pa nga kami kanina kung saan ako matutulog pero sa huli, ako 'yung talo.
Sino naman ang hindi matatalo eh jinenglish ako!
Nagka-nosebleed ako bigla!
Pero sa kabila ng lahat ng pagtatalo namin, nagpapasalamat pa rin ako.
Last na talaga 'to...
"There are extra towels in my bathroom if you want to take a shower. Nagpadala na rin ako nila manang ng mga fresh clothes kung gusto mong magbihis and also unused bathroom essentials like toothbrush and stuff." dagdag pa niya pagkatapos ay pumunta sa kanyang study table at sinumulan nang magligpit ng kanyang mga makakapal na papeles at mga folder.
"Okay, salamat..."
"Don't thank me."
Edi wews...
Huminga nalang ako ng malalim at pumunta nalang sa mamahaling sofa ni Giovanni kung saan ako matutulog. Habang tinitignan ito, 'di ko naman maiwasan matuwa.
Noiceeeee!
Sofa pa lang 'to ha pero anlaki na 'to kesa sa buong higaan ko sa bahay.
"Why? You don't like it there?" napatingin ako kay Giovanni nang marinig ko siyang magsalita. Nakita ko siyang nakatingin sa 'kin habang hawak-hawak ang ilang mga papeles.
"H-ha? Hindi ah! Malaki na nga 'to tas maganda pa! Sobrang sobra na nga 'to!" tugon ko saka ngumiti.
Tumango lang siya sa 'kin saka bumalik na sa pagliligpit sa kanyang mesa. Umupo na rin ako sa malambot na sofa at inayos na ang aking unan at kumot.
Hehe! Eksayted na talaga ako matulog!
Agad naman akong napatingin sa bintana nang makita ko ang pagliwanag ng kidlat na galing sa labas. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya napaisip nalang ako nila papa at kuya ngayon na sinsalo ang tubig ulan galing sa butas-butas naming bubong at-
Ha?
Papa?
Teka, anong pap-
HALA SI PAPA!
NAKALIMUTAN KO NGA PALA SIYANG ITEXT NA HINDI AKO MAKAKAUWI NGAYON!
Dali-dali kong kinapa ang aking bulsa at agad na kinuha ang aking selpon.
'70 missed calls from Papa'
'69 missed calls from Kuya Robot'
PAKTAY NA!!!
Agad-agad ko itong pinindot at tatawagan na sana si papa kaso naunahan niya ako.
'Papa is calling...'
Kaagad ko itong sinagot at-
"Hel-"
["KRYSTAL?! SAAN KA?! GABI NA PERO HINDI KA PA UMUWI! ALAM MO BANG NAG-AALALA AKO SA 'YO HA! ALAM MO BANG NAGHIHINTAY KAMI NG KUYA M-"] napatakip nalang ako ng aking tenga nang bumungad sa akin ang galit at malakas na boses ni papa.
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...