Chapter 4

20 4 0
                                    

Chapter 4: Whispers And Voices

Warning: This chapter contains strong language and violence which may be offensive to some readers.

*Italic = Positive Voice.
*Bold Italic = Negative voice.

Krystal's Point Of View

"EVERYONE! THE 21 ELITE STUDENTS WILL HAVING A FIGHT!!" halos umalingawngaw ang boses ng taong sumigaw nun kaya mas lalo pa kaming pinalibutan at pinagbubulungan ng mga estudyante rito.

"Oh my gosh! Noel's so hot!"

"Shut up girl! Levi's hotter!"

"You two shut up! Giovanni's the hottest!"

"Is that the new BDiamondent sa gitna? I wonder ano ang kanyang group"

"I think she's also neutral, like Levi"

"Oh my money! They're doing the face-off style! Accccckkkkkkk!"

Daig pa ang palengke sa sobrang ingay dito sa loob. Nagsimula na 'kong kinakabahan at pinagpagwisan sa sobrang ingay nila.

H-huwag muna ngayon please, huwag muna-

Pero ilang saglit lang nagsimula nang sumasakit ang ulo at tenga ko.

Maliban sa ayaw ko sa dugo, ayaw ko rin sa ingay.

Oo, sensitibo ako pagdating sa ingay.

Napatakip nalang ako sa aking tenga dahil sa lakas ng mga boses nila, pakiramdam ko mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.

Ang sakit sobra...

Ayoko na...

Tumahimik kayo...

Tumahimik kayo pakiusap...

Napaupo na ako sa sahig at nagsimula na 'kong nakakarinig ng mga bulong sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Tumakbo ka bata!!"

H-ha?​ T-tumakbo? B-bata? A-ano?!

Nung bata pa 'ko, sa tuwing sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay bigla nalang akong makakarinig ng mga bulong.

Hindi ko alam kung bat ako ganto.

Mas lalo pang lumalakas ang ingay dito sa loob kaya mas lalo ko rin hinigpitan ang pagtakip sa aking tenga at napapikit nalang sa sakit.

Ayoko na...

Masakit...

Sobra...

Tulong...

"SILENCE!!!" kaagad​ tumahimik ang paligid nang narinig kong galit na sumigaw si Giovanni.

Parang nawala na parang bula ang mga bulong at tumigil ang sakit sa ulo ko. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil tumahimik na silang lahat hanggang sa may naramdaman akong basa galing sa tenga ko.

B-basa?

Sandali akong natigilan at kinabahan bigla. Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan-dahan ko itong tinignan.

"D-dugo?" nanlaki kaagad ang aking mga mata nang may makitang dugo sa aking kamay galing sa aking tenga.

Dumudugo na pala ito.

Rikion HighWhere stories live. Discover now