Chapter 16: Sick
Krystal's Point Of View
Ang sakit...
ANG SAKIT NG ILONG KO SOBRA.
Parang anytime tutulo na ang mahiwagang sipon ko!
TAS DUMAGDAG PA 'TONG MGA MAIITIM NA USOK NG MGA SASAKYAN KAYA PARANG MAS LALO PANG SUMASAKIT ANG ILONG KO!
Naglalakad kasi kami ni kuya ngayon sa tabi ng kalsada papuntang paaralan. Tahimik lang naman kami naglalakad pero singhot ako ng singhot.
Naulanan kasi ako kahapon kaya sinisipon na ako ngayon.
Ispiking op kahapon....
Hindi ko na alam kung anong nangyari sa 'ming dalawa ni kuneho basta 'yung naalala ko lang ay nag-share kami ng body heat tas nakatulog ako at nagising nalang na nasa bahay na ang katawan ko.
Ewan ko ba kung sino 'yung bumuhat, nagbihis, at naghatid sa 'kin sa bahay. Kung tatanungin ko naman kasi si Kuya robot, 'di sumasagot.
PARA SIYANG MAY TINATAGO SA 'KIN!
Basta nagulat ako nang gumising na naka-pambahay na ang aking damit at masama na rin ang pakiramdam.
Hindi pa nga ako pinayagan ni kuya na pumasok ngayon dahil raw sa nangyari sa 'kin kahapon.
Ano ako bata?
Syempre hindi ako pumayag. Tas may test pa kami ngayong araw kaya hindi talaga pwede.
Pero- paano niya nalaman ang nangyari sa 'kin kahapon?! Wala naman siya sa room namin ah! Hmm...
May samting talaga...
"HATCHOOOOOO!"
"You know, kung nagpahinga ka nalang sana sa bahay, hindi na sana tutulo 'yang sipon mo," biglang sabi ni kuya kaya napalingon ako sakanya at taka siyang tinignan, "kanina pang tumutulo 'yang sipon mo, kadira ka." sabi niya sa 'kin saka tinuro ang ilong ko.
Natigilan naman ako sa paglalakad at napakamot sa sariling ilong at-
TUMUTULO NA PALA ANG SIPON KO!
Ang lagkit...
"Oh," bigla niyang inabot sa 'kin ang panyo niya, "punasin mo sipon mo, para kang bata." utos niya sa 'kin.
Loh.
Wala naman akong nagawa dahil diring-diri na siya sa 'kin at tinanggap nalang panyo niya, "Salamat. " namamaos kong sambit saka ginamit 'yon.
May bigla naman akong naalala sa panyo niya, panyo ni Giovanni.
Nakalimutan ko nga pala ibalik 'yon sakanya!
Sa susunod ko nalang 'yon ibabalik.
"Uminom ka na ba ng gamot?" sandali akong natigilan sa pag-iisip nang marinig ang tanong ni kuya.
Loh! Milagro ah! Nag-aalala siya sa kapatid niya!
Kala ko wapakels na 'to sa'kin!
Humarap ako sakanya saka ngumiti, "Hindi pa p-"
"Edi uminom ka. Ano hinihintay mo? Pasko?"
Ay waw...
Apaka sungit talaga...
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...