Chapter 26: Giov's Parents (At Kuneho's Mansion Part 4)
Krystal's Point Of View
"S-saan po pala ang mga magulang ni Giovanni?" kinakabahang tanong ko.
Gusto ko talagang malaman kung saan mga magulang niya.
Hindi naman sa pangingialam pero curios lang talaga ako tungkol sa pamilya niya....
Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sa 'kin saka taka akong tinitignan.
"Hindi mo alam?"
Kaya nga po diba nagtanong ako?
"Hindi po eh." nahihiyang tugon ko naman.
Nakita ko siyang napalingon-lingon muna sa paligid namin na para bang sinisigurado talaga niyang dapat walang makakarinig sa aming dalawa.
'YUN OH! CHIKA TAYM!
"Huwag niyo po 'tong sabihin kay Young Master na sinabi ko to sa 'yo ha," seryosong wika niya sa akin. Tumango ako kaagad bilang sagot at tinaas pa nga ang kamay.
"PRAMIS!" sigaw ko pa.
Huminga muna siya ng malalim saka hinanda ang sarili sa mga sasabihin.
"Sa pagkakalaam ko kasi, si Young Master Giovanni at ang kaniyang mga kapatid lang talaga ang nakatira dito sa mansion," pagsisimula niya.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa narinig at mas lumapit pa sakanya, "S-sila lang? Saan pala ang ama niya? May trabaho?" tanong ko at uminom ng coke.
Kumuha muna siya ng french fries sa mesa saka sumubo ng isa, "Nasa ibang mansion teh, nakatira sa The Flaurer Village. Tas hinahandle ng ama niya 'yung kompanya nila."
"Hindi sila magkasama sa iisang bubong?" tanong ko.
"Oo, kasi lumayas ata 'yun si young master." hindi sigurado niyang sagot.
Sandali akong natigilan sa narinig at napalunok nalang ng laway bigla, "L-lumayas?" kabadong tanong ko.
"Oo- PERO HINDI AKO SURE AH! Para kasing ganun 'yung nangyari... May samting kasi sa pamilya nila."
Samting?
"A-anung samting? Tsaka saan pala 'yung ina nila?" kunwaring tanong ko kahit na alam ko naman talaga na patay na ang ina nila Giovanni.
Gusto kong malaman kung ano sasabihin niya tungkol sa ina niya...
"Na aksidente 'yung ina niya at tigok raw teh!" mahinang sabi ni ate Marie pero rinig na rinig ko 'yun.
"A-aksidente?"
Aksidente pala ang dahilan ng pagkamatay ng ina ni Giovanni?
"Oo teh! Car accident ata 'yun? Basta na aksidente raw siya! Kaya simula nun, nag-iba na ang pakikitungo nila sa isa't isa at nagkagulo na ang pamilya nila!"
G-gulo?
"K-kung ganun, sino ang bumabayad ng buwis nila dito? Sino 'yung nag-aalaga sakanila?" tanong ko pa at kinagat ang hita ng manok.
"Si young master teh! Siya lahat! Siya na ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid simula nung bata pa siya! Pero may allowance naman siya every month galing sakanyang ina dahil hinanda na raw niya bago siya namatay tsaka marami pa siyang pera dahil sa mga ari-arian nila. Siya na kasi susunod na tagapagmana ng kompanya nila." tugon nito sabay higop ng sabaw.
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...