Chapter 14

13 4 0
                                    

A/N: Papunta na po tayo sa exciting part HAHAHA. By the way, this is one of my favourite chapters and fun fact, may thunderstorm din sa lugar namin habang sinusulat ko ang chapter na 'to just like the chapter title hehe. Enjoy<333

Chapter 14: Thunderstorm

Krystal's Point Of View

Bigla nalang kumidlat ulit kaya awtomatiko akong napaiktad sa gulat at napapikit sa takot.

"HOY BILISAN MO NGA! GIVE ME A GLASS OF WATER NOW!" rinig kong utos ni Giovanni pero hindi ko sinunod.

"NOW!"

Kumidlat ulit.

"NOW NA! I'M THIRSTY!"

At kumidlat nanaman ulit.

"HOY BILISAN MO NGA!"

At muli, kumidlat nanaman.

Naghahalo-halo sa tenga ko ang tunog ng kidlat at ang malakas na boses ni Giovanni.

Kahit na tinatakpan ko na ang tenga ko, naririnig ko parin sila.

"M-mamaya na..." pabulong kong sabi sakanya habang nakapikit ang mga mata at nakayuko dahil sa takot.

"What?! I'm thirsty!" sigaw nanaman niya.

"Krystal? You good?" rinig ko ring tanong ni Levi kaya parang mababaliw na ako dito.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Halo-halong ingay ang naririnig ko ngayon, kumikidlat pa, umuulan pa, tapos ang iingay pa ng mga boses nila.

"I SAID NOW!"

"Krystal okay ka lang?"

"Gosh she's overreacting."

"Can't believe this. Why she's acting like that?"

"I have no idea, prolly wants attention."

Parang mas lalo pa akong mababaliw nang nagbulong-bulungan narin ang mga kaklase ko dahilan para magsimulang sumasakit nanaman ang tenga ko.

Habang nagbubulungan silang lahat, sinasabayan din ito ng malakas na ulan at malalakas na kidlat sa kalangitan kaya unti-unti nalang tumulo ang aking mga luha sa tinding takot.

N-natatakot ako... natatakot ako sobra...

Gusto kong yumakap kay papa ngayon... gusto ko nasa tabi ko siya ngayon...

Siya lang kasi ang nasa tabi ko tuwing umuulan at kumikidlat. Siya lang ang magpapatahan sa 'kin. Siya lang ang yumayakap sa 'kin.

Kailangan ko siya ngayon...

"BILISAN MO NGA!"

"LOOK SHE'S CRYING!"

"SAGUTIN MO AKO KRYSTAL, OKAY KA LANG BA?"

Sandali akong natigilan nang kumidlat nanaman muli pero mas malakas ang tunog nito kaysa sa mga kidlat kanina.

"HO-"

Parang nagkabuhay bigla ang mga paa ko, kusa tumakbo nalang ako palabas.

"KRYSTAL!" narinig kong tinawag ako ni Levi pero hindi ako lumingon sakanya at tumakbo lang papuntang saan.

Hindi ko na nakikita ang daan dahil sa mga luhang umaagos sa aking mga mata basta tumakbo lang ako nang tumakbo palayo sa room na 'yun.

G-gusto kong umalis dito!

Rikion HighWhere stories live. Discover now