Chapter 6

13 4 0
                                    

Chapter 6: Reveal The Secret

Kenneth's Point Of View

I failed protecting my sister, again.

It almost happened, again.

What should I do to prevent it from happening?

I'm scared once she found out what happened years ago.

Ano nalang kaya ang magagawa ko?

Ako ang dahilan kaya nangyari 'yun...

°°°°°°°

Krystal's Point Of View

Ito na...

Papasok na naman tayo sa impyerno- este sa room na punong-puno ng mga dragon.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang akong hinila ng kung sino sa braso.

Kaagad akong napatingin sa taong 'yun at bumungad sa 'kin 'yung apat na magkakaibigan na tinulungan ako maglibot dito kahapon.

"Shaneena? Naomi? Kurtt? Clark?"

Diba sila 'yung basketbolkurtt and friends ba 'yun?

Dali-dali nila akong nilayo sa room saka ay kaagad akong ningitian na parang matagal kaming magkakaibigan na hindi nagkita. Kahit naguguluhan sa inaasta nila, gumanti rin ako ng ngiti.

Baka masayahin lang.

Nagulat nalang ako nang biglang akong hinawakan nung Naomi at Shaneena sa kamay.

"Hi Krystal! Kumusta na? Are you okay na?" sabay nilang tanong sa 'kin.

Napakurap-kurap naman ako ng mga mata pagkatapos marinig 'yun.

B-bat hindi naman okay?

"Ha? Ano ang ibig ninyong sabihin?" takang tanong ko naman.

"Y-you know... About sa nangyari yesterday sa dining hall," sabi ni Shaneena at nilalaro ang mga sariling daliri.

Napansin kong umiwas ng tingin sila Clark at Naomi sa 'kin samantalang si Kurtt ay nagpipicture lang sa may gilid.

Nangyare sa dining hall? Bakit ano ba ang nang-

Ahhh...

Ngumiti naman ako sakanila at hinawakan din ang kamay nila, "Okay lang ako. Salamat sa pag-aalala."

"Are you sure frenny? We saw you yesterday how Jenny slapped you multiple times," sinserong tanong ni Naomi sa 'kin.

Kaagad naman akong ngumiti at tumango, "Oo. Hindi naman siya masakit,"

Hindi naman talaga siya masakit, parang kagat lang ng shark.

"I really gusto to slap that Bruha so much! She's so sumusobra na talaga!" sabi naman ni Shaneena pagkatapos ay inis na sinipa ang pader ngunit nasaktan lang ito.

"Pasensya na dahil hindi ka namin natulungan kahapon. Natagalan kasi kami sa room at naabutan nalang namin na pinagsasampal ka na ni Jenny. And we didn't know what really happened," sabi ni Clark at pilit ngumiti, "but we immediately called the headmistress naman. Pasensya na kung 'yun lang ang nagawa namin." dagdag pa niya.

S-sila pala 'y-yung tumawag kay ma'am?

Kahit na hindi kami malapit sa isa't isa, wala sa sarili akong napayakap sakanilang tatlo. Nagulat sila sa ginawa ko at ilang saglit lang ay gumanti rin sila ng yakap.

Rikion HighWhere stories live. Discover now