Chapter 29

13 1 0
                                    

Warning: This chapter contains harsh and offensive words. Read at your own risk.

Chapter 29: Flying Napkin

Krystal's Point Of View

BALITA SA RADYO: Patay ang isang lalaki matapos ito saksakin ng 20 beses, pinainom ng asido, at pinutulan ng dila sa loob ng cr sa airport. Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen kanina pasado alas singko ng umaga. Lilipad na sana sila kasama ang kanyang asawa at dalawang anak papuntang America ngunit nagpaalam daw ito na umihi muna. Pero makalipas ng isang oras, hindi na ito lumalabas ng cr at doon na natagpuang wala na itong buhay at dila.

Kaagad akong nabulunan sa narinig sa radyo at napa ubo-ubo ng wala sa oras. Awtomatikong tumayo ang mga balahibo ko at nawalan bigla ng gana kumain.

Anak ng-

Apaka brutal naman ng pagkamatay niya!

Tao pa ba gumawa non?

Peace in rest po.

Binaba ko kaagad ang kutsara at tinidor ko saka ay tumayo na upang pumunta na ng school kase baka malalate pa ako. Bigla kasi akong nawalan ng gana kumain pagkatapos marinig ang balita sa radyo.

Nakakatakot na talagang mag-cr....

Nang matapos kong kunin ang bag ko sa aking kwarto, napansin kong nakatingin si kuya sa akin kaso hindi ko siya tinignan o pinansin man lang.

Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin.

Tsaka wala rin ako sa mood makipag-usap sakanya.

Cool off muna tayo kuya.

Hindi ako nagsalita sakanya at na una nang maglakad papuntang school na hindi siya tinitignan. Wala naman akong narinig na salita galing sakanya at hindi ko rin siya naramdaman na sumunod sa akin.

_______

Pagkatapak ko palang sa loob ng school namin, sandali akong natigilan nang maramdaman kong biglang sumakit ang puson ko.

Kaagad akong napahawak dito at napapikit nalang sa sakit.

Bat sumasakit puson ko? Hindi ko pa naman araw ah.

Kahit na parang sinusuntok puson ko sa sobrang sakit, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa may biglang kumalabit sa aking balikat.

"Hi Krystal! Good morn- WHAT THE- OKAY KA LANG BA?!" sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha nila Naomi, Shaneena, Clark, at maliban kay Kurtt na nagselselfie sa pader.

Jusmeh.

"O-okay lang naman ako. B-bakit ba?" tanong ko saka pilit ngumiti sakanila.

"You look so maputla frenny, are you sigurado na you're okay?" nag-aalalang tanong ni Shaneena. Kitang-kita ko talaga sakanilang mukha ang labis na pag-aalala
kaya ngumiti ako upang ipaalam sakanila na okay lang ako.

"O-okay lang naman ako, napagod lang siguro sa paglalakad." tugon ko.

"You sure?" tanong ni Clark.

"O-oo," sagot ko saka ngumiti.

Nag-uusap-usap pa kami ng mga ilang minuto tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa napag-isipan nanamin na pumunta na sa aming mga room. Nang nasa harapan na ako ng aming pinto, bigla nanaman sumakit puson ko.

A-ang sakit...

Parang tinatapakan ng isang higante ang puson ko.

Nang mawala na ang sakit, huminga muna ako ng malalim at pumasok sa room at-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rikion HighWhere stories live. Discover now