Chapter 2: Secret Place
Krystal's Point Of View
Masaya.
Sobrang saya.
SOBRANG SAYA KO NGAYON.
Para akong baliw nakangiti habang naglalakad sa gilid ng kalsada pauwi sa bahay.
"You Krystalia Gabriel and your brother Kenneth are now officially students at Rikion High,"
Napatalon nalang ako sa sobrang saya nang maalala nanaman ang sinabi ni ma'am Karina sa 'kin kanina.
Hinding-hindi parin ako makakapaniwala na sa kunting tulong na naibigay ko, nasuklian ako ng napakalaking biyaya.
Pero may napansin nga lang akong kakaiba sakanya. Kakaiba ang mga titig niya sa 'kin. Na para bang alam niya lahat ang aking mga kasalanan nagaw-
Teka- san ak-
Napansin kong nasa loob na pala ako ng bahay, naghuhugas na ng kamay.
Anak ng- sa sobrang lutang ko hindi ko namamalayan nasa na bahay na pala ako!
"San ka galing?"
DUN DUN DUN DUN.
Nagsitayuan kaagad ang aking mga balahibo nang marinig ang kanyang boses.
Pagkatapos ng ilang buwan, ngayon lang siya ulit nagsalita sa akin.
Lumingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ni kuya. Nakita ko siyang nakatayo sa dilim habang seryoso akong tinitignan.
Bigla naman akong kinabahan at agad na napalunok ng laway.
P-paktay...
"K-kuya nandiyan ka pal-"
"I'm not gonna repeat myself, saan ka galing at bat ka nakangiti habang naghuhugas ng kamay?" seryosong tanong niya.
Loh.
Porket fluent sa ingles, iinglesan na ako?!
"Umuwi na ba si p-pap-"
"Talia," maypagbabanta na ang kanyang boses habang seryoso akong tinitignan.
Eh si ma'am kase! Maaga sana ako makakauwi ng bahay pero nag-order na pala siya ng mga pagkain kaya napakain ako wala sa oras!
"Tsaka sino 'yung lalaki kanina? Huwag mong sabihin may j-"
"UY UY! HINDI UY! NAGKAKAMALI KA UY!" kaagad kong kontra sa kanyang sasabihin habang nanlalaki ang mga mata.
la po akong jowa kuya uy!
"Then sabihin mo sa 'kin kung sino 'yun, kung saan ka galing at bakit ngayon ka lang umuwi,"
Iehhh pano ko ba kase sasabihin sakanya ang lahat-lahat? Tsaka kinakabahan din ako dahil ngayon lang kami ulit nag-usap!
"Anak sino 'yan?" awtomatiko akong napalingon sa kwarto nang marinig ang boses ni papa.
Nakauwi na pala siya!
Dali-dali akong tumakbo sakanya at nagtago kaagad sakanyang likuran.
"Oh Krystal? San ka pala nanggaling? Hinanap kanamin kanina," wika niya.
Si kuya robot kase eh! Nakakatakot!
Naghihintay naman si papa sa aking sasabihin kaya napag-isipan kong sasabihin ko na sakanila,
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...