Chapter 15: Body HeatKrystal's Point Of View
"Hoy, maghubad ka."
A-ANO?! T-TAMA BA 'YUNG NARINIG KO?! M-MAGHUBAD?!
Nagyayakapan pa rin kami ni Giovanni kahit na labag sa aking kalooban na yakapin siya.
A-ayoko siyang yakapin pero hindi ko na siya kayang bitawan.
Ayokong humiwalay sakanya at ayokong lumayo siya sa 'kin.
Sa totoo lang, para akong butiki nakakapit sakanyang katawan.
"Maghubad ka hoy." rinig kong sabi niya ulit kaya awtomatiko akong napatingin sakanya pero kaagad nanlaki ang mga mata ko nang nang malapit lang pala ang mukha namin sa isa't isa.
M-muntikan ko na siyang mahalikan...
Sobrang lapit lang naming dalawa kayat hindi ko maiiwasan mapatitig sakanyang mukha.
Basang-basa ang kanyang mukha at buhok pero b-bat mas lalo lang siyang g-gwumapo?
Napatingin ako sa tagaktak na tubig na mula buhok niya, dumaloy papunta sa kanyang matangos na ilong at dumaloy papunta sa kanyang pulang labi.
Kaagad akong napalunok ng laway nang mapatingin doon at agad na napayuko.
"B-bat naman ako maghuhubad? M-may p-pangarap pa ako uy tas b-bata pa tayo u-uy. B-bad 'yan..." nanginginig kong sabi dahil sa ginaw.
Narinig ko naman siyang mahinang tumawa pagkatapos ay biglang inangat ang mukha ko gamit ang kaniyang daliri para iharap sakanya.
"Oh yeah? Gusto mo pala?" tanong nito habang may ngiting nakakaloko sa labi.
Bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko nang sinabi niya 'yun habang ang aking paningin ay unti-unting bumaba ulit sakanyang labi.
A-ang p-pula talaga...
Bigla niyang binasa ang ibabang labi niya gamit ang kanyang dila saka ay ngumisi sa akin.
"Wanna kiss me?"
"Oo- AY HINDI! H-HINDI PO!" kaagad na depensa ko sakanyang sinabi. Umiwas ako agad ng tingin at naramdaman nalang na umiinit na ang mukha ko.
W-wag ka pong ganyan koya! B-bata pa po ako!
Narinig ko siyang tumawa ulit nang marahansaka ay hinarap ulit sakanya, "Sige na... Maghubad ka na..."
"Timang ka ba?! B-bat naman ako maghuhubad?! Bata pa nga ak-"
"We have to share body heat."
Sandali akong natigilan sa narinig at taka siyang tinignan.
"HA?!"
"We're both cold and our clothes are wet. Sharing body heat is the only way to keep us warm," seryosong sabi nito habang tinitigan ako sa mga mata. Napansin ko naman na nanginginig na rin ang kanyang labi at katawan dahil sa lamig.
Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi at umiwas kaagad ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang sasabihin ko.
Nanginginig din ang katawan at labi ko dahil sa lamig pero ayaw kong maghubad sa harapan niya!
Hindi ko gagawin 'yan!
Biglang hinawakan ni Giovanni ang aking mukha saka tinitigan ako ulit sa mga mata.
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...