"Diego! Diego! Open this goddamn door!" napamulat ako ng mata sa lakas ng boses ng kung sino man ang nasa pinto.
"Diego!"
"What are you doing here mom? And why are you shouting?" Doon na ko napabangon nung malaman na mommy ni diego ang nasa pinto
"Where the hell is Angel?!" pagalit na tanong nito kay Diego kaya naman ay mabilis akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto.
Nang makita ako ni tita evangeline ay isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa palad nya.
"You whore! Ang lakas ng loob mo na bumalik pa dito! Kung hindi pa sinabi sakin ni Lalaine ang totoo pati ako maloloko mo na isa kang mabait at may delikadezang babae pero ang totoo isa ka rin palang kabit!" Galit na sigaw sakin, di ako maka-react. Paanong nangyaring nalaman ni Lalaine ang nakaraan ko?
Blangko akong napatingin kay Diego na ngayon ay pinipigalan ang mommy nyang makalapit sakin.
"Mommy stop! You're hurting her!" Pag aawat ni Diego sa mommy nya, di makapaniwala namang napatingin sa kanya ito
"Ha! At na-brainwashed mo na agad ang isip ng anak ko?!" di ko alam pero di tumutulo ang luha ko, umiikot rin ang paningin ko sa gulo at ingay
"Mommy ano ba?! Masasaktan mo ang anak ko!" Dun ako natigilan at dahan dahang tumingin sa mommy nya na ngayon ay napatigil rin, bakas ang gulat sa mukha nito.
"Walang hiya kang babae ka! At nagpabuntis ka pa talaga sa anak ko!" bigla nya akong sinugod kung saan di sya nahawakan ni diego, nahablot nya ang buhok ko and the last thing I know is bumagsak ako at nandilim ang paningin.
-
Masakit ang ulo ko nung dumilat ako at alam kong nasa ospital ako ngayon. Agad akong napahawak sa tyan ko sa kabang baka nawala sakin ang anak ko, nakahinga ako ng maluwag nung makaramdam na walang mali sakin.
"I can't believe you mom! Muntik mo na mapatay ang anak ko! At pwede ba? Tanggap ko sya sa kung ano sya noon" agad akong napatingin sa pinto dahil sa narinig ko
"I'm telling you Diego! Kapag di mo hiniwalayan ang babaeng yan itatakwil kita! Minsan na kong naloko, ayokong mangyari rin yun sayo anak"
"I trust her na hindi nya gagawin sakin yun mom"
"I don't trust a mistress"
"Well it is you mom, not me"
"I'm telling you Diego-"
"Mom please enough! Not because nangyari na sakin once mangyayari na sakin twice okay?!"
Nanlulumo ako sa naririnig ko, dahil sakin nag aaway silang mag ina. Pasimple kong pinunasan ang luha ko nang mapansin na pabalik na sa kinaroroonan ko si Diego.
"You're awake" nakangiting sabi nya, walang bakas ng sitwasyon kanina
"Anong nangyari?" Tanong ko agad
"Don't think about it, ang mahalaga ligtas kayo ni baby" nakangiting sabi nya bago ako halikan sa noo.
"Tomorrow aalis na ko sa condo mo" biglang sabi ko, naramdaman ko ang higpit ng hawak nya sa kamay ko
"No, you're staying with me"
"Pero-"
"No buts" huminga na lamang ako ng malalim, dahil alam kong hindi ako mananalo sa diskusyon na ito.
Kinabukasan ay nakalabas na rin ako agad ng ospital, ako ay dumiretso sa condo at si Diego naman ay dumiretso sa opisina pagkatapos akong ihatid.
"Hija!" Laking gulat ko nung pagpasok ko sa condo ay nandun si tita evangeline
"Ma-ma'am evangeline-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng yakapin nya ko ng mahigpit
"I'm sorry hija, I'm very sorry" umiiyak nyang sabi
"Ano pong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong kasi totoong naguguluhan ako. Kahapon lang ay galit na galit sya sakin pero ngayon ay umiiyak sya
"Si Lalaine, kinailanganin kong gawin yun para isipin nyang kampi ako sa kanya at para di kayo masaktan ng apo ko" umiiyak na sabi nya
"Nung nalaman ko ang totoo mula kay Lalaine ay nagalit ako kunwari pero ang totoo ay alam ko na noon pa lang" mas lalo akong naguluhan
"Di ko na iisa-isahin pa Angel, pero alam kong mabait ka at patawarin mo ko sa ginawa ko sayo kahapon natakot ako na baka sa ginawa ko ay mawala ang apo ko" umiiyak syang muli kaya napaiyak na rin ako
"Hindi ito alam ni Diego kaya alam kong galit sya sakin, wag mo na rin sana sabihin sa kanya hija"
Buong maghapon ay nakatulala lang rin ako sa condo, iniisip ang mga sinabi ni tita evangeline.
At paanong dahil kay Lalaine ulit? Ano ba talaga ang balak mo Lalaine?
______________________________________
Please don't forget to vote and leave comments! :)
missgeraldayn
❣
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?