"Angel, I....I....wag mo akong gustuhin" napayakap ako ng mahigpit ng marinig ang sinabi nya'Hindi ako iiyak'
"Alam ko naman yun, sinabi ko lang sayo" laking pasalamat ko na hindi ako nautal o pumiyok man lang, dahan dahan akong lumayo at tumingin sa kanya
"Sige, papasok na ko sa loob" mahinang sabi ko bago pumasok sa loob ngunit agad nyang nahawakan ang braso ko
"Angel" nakatitig lang ako sa kanya ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi sya nagsasalita kaya ako na ang bumawi ng braso ko
"Sorry" agad na sambit nya, mapait akong napangiti
"It's okay, not just because sinabi ko na gusto kita ay dapat gustuhin mo na din ako" seryosong sabi ko bago tuluyang pumasok sa loob at dumiretso ng kwarto.
Pagkasara ng pinto ay agad din tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa sariling dibdib ng sumakit ito dahil sa pagpipigil kong humikbi.
"It's okay.....It's okay" pangungumbinsi ko sa sarili
Nakatulog ako ng umiiyak kaya ganun na lang ang pamamaga ng mata ko kinabukasan ngunit wala akong pakealam. Pero ganun na lang ang gulat ko ng masalubong ko si Diego na galing kusina, matagal kaming nagtitigan bago ako ngumiti.
"Goodmorning, Sir" nakangiting sabi ko sa kanya ngunit hindi man lang sumagot bagkus tumitig lang sya sakin
"Magtitimpla lang ako ng kape" sabi ko bago sya lagpasan, napahawak ako sa dibdib ko ng manikip na naman iyon.
'Ang awkward naman nito'
Narinig kong binuksan ni Diego ang pinto at agad na narinig ang boses ni Bryan.
"Good morning, Miss gorgeous!" masayang bati nya sakin
"Hi, good morning"
"Kamusta? Nag confess ka na ba?" mahinang bulong nya sakin, hindi ako sumagot at binigyan na lang sya ng malungkot na ngiti na sa tingin ko ay agad din nyang naintindihan
"OMG! REJECTED KA?!" agad kong tinakpan ang bibig nya dahil sa pagsigaw nya, napansin kong napalingon samin si Diego mabuti na lang ay medyo malayo ang kusina sa kinaroroonan nya.
"Tumahimik ka nga!" inis na bulong ko
"Pero hindi nga?"
"Sabi nya, wag ko daw syang gustuhin" sabi ko habang inaalala kung paano iyon sinabi ni Diego kagabi
"Ha? Ang weird" naguguluhan na sabi ni Bryan
"Anong weird?"
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?