Nang makauwi sa condo ay tahimik lang akong pumasok, nagpahinga lang ako saglit para makaligo na din maya maya. Dahil wala pa kong cellphone ay napakaboring ng buhay ko ngayon, iyon ang una kong bibilhin kapag nakasahod na ako.
Habang nagpapahinga ay tumingala muna ako sa kisame, nagmumuni muni.
"Okay lang yan angel! May midterm pa naman" nakangiting sabi sakin ni ash nang makita nya ang grades ko
"Mukhang malabo, di naman ako kasing talino mo ash" mahinang sabi ko habang tinititigan ang tres ko sa report card
"Duh! Anong matalino?!" maarteng sagot nito
"Ano ba naman yan angie! Tumigil ka na kaya ng pag aaral? 4th year ka na puro tres pa din laman ng report card mo?!" sigaw ni mama mula sa labas ng aking kwarto
"Pupunta akong Canada the day after ng graduation ko" malungkot na sabi ni ash
"Paano si zed?" tanong ko
"Kakayanin namin yun" nakangiting sabi nya
"Zed, I think si Ash na tsaka ni Vein" sumbong ko dito kahit di naman totoo
"Paano mo naman nasabi? Di nya kayang gawin sakin yun" sagot nito sakin
"Ah kaya pala nasa Canada na din si Vein"
"Paano nya po mapapakilala sa inyo kung kabit sya?"
"Iyang anak nyo po ay karelasyon nitong fiancee ko"
"Lumayas ka dito! Wala akong anak na kabet! Walang hiya ka! Malandi ka! Wag na wag ka ng babalik dito!"
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko kaya ganun na lang ang pagbagsak ng mga luha nito, ni hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Sorry ash" umiiyak na sabi ko, gusto ko syang kamustahin ngunit alam kong galit pa sya sakin, gusto kong ayusin muna ang sarili ko bago ako magpakita sa kanya.
Tumayo na ko para maligo, nang matapos ay nahiga na ko. Nawalan ako ng gana kumain kaya itutulog ko na lang ito.
"Angel pasensya ka na talaga ah, may titira na pala dito sa unit na tinitirahan mo ngayon kaya dun muna kita ililipat sa anak ko pwede ba?" bungad sakin ni tita ev kinabukasan
"Wag ka mag alala, nasabi ko na kay Philip at sumang ayon naman sya" dagdag pa nito
"Sige na ayusin mo na ang mga gamit mo" para akong tangang tumango at basta na lang nag ayos ng mga gamit, totoo ba yun?
Nang maayos na ay pumunta na kami sa kabilang pinto, at dahil hindi naman nakalock ang pinto ay pumasok na kami ni tita ev.
![](https://img.wattpad.com/cover/228226548-288-k303651.jpg)
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanficShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?