It's been 5 months ng makabalik kami mula Subic, at sa limang buwan na yun ay ilang beses ko na din namura ang sarili ko dahil mas lalong lumalalim ang pagkakagusto ko sa kanya lako na sa nakakapanibagong pakikitungo nya sakin mula nung kami ay bumalik dito sa Maynila. Ang dating Diego na seryoso at masungit sakin, ngayon ay naging mabait na, minsan.
Nagkausap na din kami ni Steph, hindi lang hampas at sigaw ang natamo ko sa kanya dahil sa biglang putol ng pag uusap namin nung araw na muntik na kong masagasaan. Kapag naaalala ko ang mga sinabi nya ay gumagaan ang loob ko.
"Oo, nagalit ako sayo dahil sa hindi mo pag contact sakin pero hello girl! Kaibigan pa din kita at kahit na baliktarin ko ang mundo, hinding hindi mawawala ang pag aalala ko sayo. Para na kitang kapatid eh" pasimple kong pinahiran ang luha ko habang nakaharap sa computer, mahirap na at baka may makakita pa sakin.
Sa ngayon ay gumagawa ako ng powerpoint para sa mga next meeting ni Sir Diego para mabawasan ang mga gagawin ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng office nito ngunit hindi na ko nag abalang tignan sya.
"Nag lunch ka na?" nagulat ako sa biglang paglapit nito sakin
"P-po?" nauutal kong sabi bago tignan ang wrist watch ko
'Lunch na pala, pero ni hindi ko man lang namalayan'
"I said, nag lunch ka na ba?"
"Hindi pa po, mamaya na lang siguro" nahihiya kong sabi, kita ko ang pagsalubong ng kilay nya bago ako talikuran. Nagkibit balikat na lamang ako tsaka pinagpatuloy ang ginagawa, kaunti na lang naman kaya mag gugustuhin kong tapusin na lang ito.
Wala pang isang oras ay may naglapag na ng pagkain sa harapan ko, dahan dahan ko namang sinundan ang kamay na nakahawak doon.
"Lee" tawag ko dito, nginitian nya lang ako
"Hi, may nagpapabigay nga pala" tukoy nya sa pagkain
"Sino?" tanong ko
"Hulaan mo" nakangisi nyang sabi bago ako talikuran
Napansin kong may sticky note na nakadikit doon kaya agad ko itong kinuha para basahin ang nakasulat.
'Eat or else I'll eat you'
-D.Agad nanlaki ang mata ko at agad agad na ibinaba ang sulat bago ilibot ang mga mata, natapatan naman nun ay si Sir Diego na nakataas na ang isang kilay ngayon sakin!
Nang makalapit sa pwesto ko ay agad dumapo ang paningin nya sa pagkain na hindi ko pa nagagalaw.
"Still not eating, huh?" sa sobrang taranta ko ay agad kong binuksan ang lalagyan ng pagkain at sunod sunod na sumubo. Kaya ganun na lang ang pag hingi ko ng tubig ng malasahan na maanghang pala yun!
"Here" kalmadong bigay nya sa tubig
"Thank you" nahihiyang sabi ko
"Wag kang mapressure sa sinulat ko, dadating din tayo dyan" mahinang sabi nya bago tuluyang pumasok sa kanyang opisina. Kung may laman lang ang bibig ko ay paniguradong naibuga ko na iyon lahat!
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?