Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa desk ko habang hinahalungkat ang flashdrive na ibibigay ko kay Sir Diego mamaya.
"Nasan na ba kasi yun?" naiinis kong tanong sa sarili, 15 minutes akong late sa trabaho kaya ganun na lang ang pagmamadali ko. Hindi na ko sumabay kay Sir Diego dahil magkikita pa sila ng mga kaibigan nya. Nakakahiya naman kung sumama pa ko sa kanila, diba. At sa tingin ko ay kanina pa nandun sa office nya si Sir, hinihintay ang flashdrive na ibibigay ko!
"Aray!" sa sobrang pagmamadali ko ay may nakabangga ako
"Naku! Sorry hindi ko sinasadya" agad kong pinulot ang bag ko na nahulog sa sahig
"I wonder kung paano ka nagustuhan ng fiancee ko" dahil sa pagmamadali kanina na pulutin ang gamit ko ay hindi ko na natignan ang nakabanggaan ko kaya dahan dahan ko itong tinignan.
"Lalaine" mahinang sambit ko
"Oh, you know me? Hahahahaha hindi talaga sya nagbabago, mahilig talaga syang ipagmalaki ako sa ibang tao" mayabang nyang sabi nito
"Actually hindi" sagot ko
"What do you mean?"
"Hindi ka nya pinagmamalaki sakin"
"At sino ka naman para sabihin yan? I'm his fiancee" napangiti ako ng matamis
"His EX-fiancee, Miss Lalaine" nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata
"How could you!" akma nya kong sasampalin ng may biglang magsalita
"What's going on here?" tanong ni Sir Diego kasama nito sila Bryan
'Ang akala ko ay nasa office na sya!'
"Philip, you're secretary insulted me" nanlaki ang mata ko ng bigla itong naging mabait.
'Tama nga si Steph, hindi mabait ang isang ito'
Tumingin sakin si Sir Diego bago tignan si Lalaine at bumalik muli sakin ang tingin.
"Is it true?" tanong nito, hindi ako sumagot dahil alam kong hindi din naman nya ako paniniwalaan
"Bakit?" muli ay hindi ako sumagot, nakita kong ngumisi si Lalaine ngunit at din ngumuso ng tignan sya ni Sir Diego
"Bakit hindi ka pumalag?" Nagugulat akong napatitig sa kanya
"S-sir"
"Philip?" hindi makapaniwalang tanong ni Lalaine sa kanya
"What are you doing here?" blangko ang expression na tanong nito kay Lalaine
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?