"Where are we right now?" tanong nya matapos namin makarating sa matao na lugar
"Sa karenderya" nakangiti kong sagot, napansin kong nagpupunas sya ng pawis kaya naman nilabas ko yung panyo ko para punasan sya bago sya hatakin sa loob
Isa isa kong tinignan ang mga ulam na nakahain doon, merong sinigang na baboy at bangus, meron din adobo, nilaga, kaldereta, menudo at kung ano ano pa.
"What do you want to have?" tanong ko rito
"Sinigang" simpleng sagot nya, mabuti na lang ay hindi na sya nagreklamo sa pinagdalhan ko sa kanya ngayon! Pinahanap ko na sya ng mauupuan namin dalawa dahil napapansin kong pagod na sya, pero hindi pa rito natatapos ang araw namin hahahahhahaha!
"Ate isang adobo po tsaka isang sinigang na baboy" sabi ko sa tindera
"Dito po kakainin?" tanong nya
"Opo, dito" nakangiting sagot ko bago tumalikod para pumunta sa pwesto na nakuha ni Diego, talagang sa electricfan pa tumapat!
"It's so hot!" agad na reklamo nya pagkaupo ko, mahina naman akong natawa bago kunin ang pamaypay sa pouch ko. Alam kong mangyayari ito kaya pinaghandaan ko na!
"Ito na po ang pamaypay, mahal na hari" nang aasar kong sabi
"Tsk" nagreklamo pa pero kinuha rin naman at mabilis na nagpaypay, napailing na lang ako. Maya maya ay pinapaypayan nya na rin ako, napangiti naman ako sa kanya habang hinihintay ang order namin.
"Wala pa ba? I'm hungry na" reklamo na naman ng isa
"Wala pa, marami kasing umuorder kanina" paliwanag ko rito, hindi lang naman sya yung gutom dito 'no!
"We can eat naman sa restaurant, bakit pa dito? Mas mabilis pa ang serving dun" reklamo pa nya
"Bakit hindi ka mag restaurant kung ganun?" mataray kong sabi dito
"Because dito tayo pumunta, look mainit dito at maraming tao tsaka-"
"Pang mahirap lang ganun?" putol ko sa sasabihin nya, natahimik naman sya dahil dun
"Look, kung gusto mo sa restuarant you can go dito lang ako" wala na sa mood kong sabi
'Grabe! Iba talaga kapag mayaman!'
'Hindi ba nya alam na mas masarap ang luto sa karenderya kumpara sa mga restaurant? Oo masarap din naman dun pero mahal, e' dito mura na masarap pa!'
"We are arguing right?" mahinang tanong nya, hindi ako sumagot dahil nandyan na yung order namin
"Ito na po yung order nyo" nakangiting sabi samin ng crew
"Salamat" kahit wala sa mood ay pinilit kong ngumiti, nang makaalis ito ay dun ako tumingin kay Diego
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
Fiksi PenggemarShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?