Chapter 33

9 1 0
                                    

"I knew it" biglang sabi ni Steph, ramdam ko ang pagkaputla ng mukha ko


"It's not what you think, steph" pagsisinungaling ko habang pinipilit na tumayo kahit nanginginig ang mga paa





"O' really? Ako pa ang lolokohin mo? Jusko Angel! Hindi alam ni Diego?!" nakayuko akong umiling, naramdaman kong bumilis ang paghinga nya



"Diego needs to know this!" biglang sabi nya sabay kuha sa phone kaya naman mabilis ko syang pinigilan





"P-please 'wag" naluluhang sabi ko





"Anong 'wag?! Kaya mo bang buhayin ng mag isa yan Angel?!"





"Oo! Kakayanin ko!" malakas na sigaw ko





"Nahihibang ka na! May karapatan rin si Diego sa anak nya!"






"Alam ko yun! Pero anong magagawa ko kung hindi naman ako yung mahal?! Ayokong lumaki yung anak ko sa pamilyang hindi naman nagmamahalan!" mabilis kong sabi na syang nakapag patigil sa kanya. Napaupo ako habang umiiyak




"Oo hindi magiging madali sakin ang lahat pero kailangan kong kayanin" tumayo ako at nilagpasan sya, kita ko ang awa sa mga mata nya



"Angel, sorry" mahinang sabi nya habang nakasunod sakin, nakangiti ko naman syang hinarap




"Ayos lang, magpapahinga muna ako" sabi ko sabay sarado ng pinto



Naupo ako sa dulo ng kama at dahan dahang hinawakan ang aking tyan, mapait akong napangiti.



"Kakayanin ko lahat anak para sa'yo"


Kinabukasan ay pagsusuka na naman ang bumungad sa akin, mukhang aasahan ko na yatang kada umaga ay kubeta ang bubungad sakin.

Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko, at dahil dalawa lang kami ni Steph rito ay sya ang inaasahan kong pumasok.




"S-steph pasuyo naman ng tissue" nanghihinang sabi ko, agad naman nyang inabot sakin yun habang nakatikod kong inaabot. Nang matapos ay tumayo na ko at nag mumog.




"Grabe, mukhang papahirapan pa yata ako ng anak ko sa pag bubuntis" natatawa ko pang sabi bago tumayo ng maayos at tignan ng maayos ang sarili sa salamin pero iba ang nakita ko.


Ang gumaan kong pakiramdam mula sa pag susuka ay bigla na namang bumigat dahil sa nakita ko. Umiigting na panga, masamang tingin mula sa reflection nya sa salamin at ang matikas nyang tindig ang mas nakapagpakaba pa sa akin.



Si Diego ang nandito!



Hindi ako makaharap, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko!




"B-bakit ka nandito? A-at anong g-ginagawa mo rito?!" pinilit kong magmukhang galit para maitago ang kabang namamayani sa sarili ko pero hindi yata kakayanin ng pagkukunwaring galit ko ang galit na nakikita ko sa kanya ngayon.





"So you're pregnant huh?" sabi nya gamit ang matigas na ingles




"Umalis ka na" mahinahon kong sabi






"Kaya ba gusto mong lumayo sakin? Dahil gusto mong ilayo sakin yung anak ko?" napalunok ako nang makita ang panlulumo sa mukha nya


"H-hindi-"




"EH ANO?!" tuluyan nang tumulo ang luha ko nang makitang tumulo rin ang luha nya pero hindi ako nagpatinag




"Hindi ko naman itatago sayo ang anak mo! Lumalayo ako kasi-"





The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?Where stories live. Discover now