"Diego, kukunin ko sana yung mga gamit ko sa office this afternoon" mahinang paalam ko habang nag aalmusal. Seryoso syang napatingin sakin.
"No, ako na-"
"Diego, hindi ako baldado" mataray na putol ko agad sa kanya
"I'm just concern baby"
"Kukunin ko lang ang gamit ko dun at uuwi na diretso dito, you're over reacting" mataray ko pa rin sabi
"What if mabigatan ka?" nag aalala nyang sagot na syang nagpatawa sakin
"Anong silbi ni Bryan?" natatawa kong sabi na syang nagpakunot ng noo nito
"What?" masama ang tingin na sabi nya sakin
"Ha?"
"You miss him?" seryosong tanong nya
"What? Of course, he became my bestfriend after all" nakangiti kong sagot
"Because he hugged you?!" iritable nyang tanong
Hmmm... someone's jealous haha
"What? When is that?" maang maangan ko pa
"That when- when-" di nya maituloy, palihim akong natawa
"When?"
"Nung nasa seoul tayo Angel" mariin nyang sabi and I acted like I didn't know that
"Oh did I and Bryan hugged?" naaamaze ko pa kunwaring tanong
"That is why I came to you that night!" inis nyang sabi, nawala ang ngiti ko bigla dahil naalala na naman ang gabing yun
"So that's why you came to me, because you saw us hugging?" mapait kong tanong, hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ako nung mapansin na natigilan sya
"You know what? The reason kung bakit nya ako niyakap nung gabing yun is para pigilan nya ang paglingon ko sa inyong dalawa ni Lalaine nun" mapait akong napangiti nung maalala yun, alam kong may ginawa sila ni Lalaine dahilan para magalit at mapamura si Bryan nung gabing yun
"I'm sorry" mahinahon nyang sabi
"It's okay" nakangiti kong sabi pero di pa rin maalis ang taning sa isipan ko kung anong ginawa nila nun.
Did they kissed?
Mapait akong napailing.
"I love you" biglang sabi nya, matagal bago ako nakasagot
"I love you too" wala sa sarili kong sagot
-
Alas tres na ng hapon kaya napagpasyahan kong pumunta na sa opisina para kunin yung gamit ko dun dahil hindi naman na ako magtratrabaho doon. Nasa parking lot na ko nang biglang tumawag si Steph.
"Ayos lang naman ako Steph, don't worry" mahinahon kong sabi sa phone call nya
"Siguraduhin mo lang gel, dalhin baka kapag nakita ko yung Lalaine na yan masapak ko yan!" gigil na sagot nito
"Ang brutal mo talaga- Aray!" agad akong napahawak sa tyan ko nang bigla akong mapaupo sa sahig dahil sa pagbunggo sakin ng isang lalaki
"Angel why?! What happened?!" rinig kong sigaw ni Steph sa kabilang linya pero di ko iyon nasagot dahil biglang humilab ang tyan ako
"Miss sorry, ayos ka lang ba?" tanong ng lalaking nakabunggo sakin bago ako tulungan tumayo ngunit tanging tango lamang ang nasagot ko dahil lumala ang hilab ng tyan ko
"Pasensya na po talaga" sabi pa nya bago umalis, habol tingin ko lamang sya sinundan
"Angel! Sumagot ka! Anong nangyari sa-"
"I'm okay steph, nabunggo lang ako ng lalaki"
"God! I thought something happened to you! Do you know him?"
"I'm not sure naka mask and cap kasi sya but feels familiar yung boses nya"
Tinapos ko na ang tawag at sumakay na ng elevator habang hinihimas pa rin ang tyan ko na ngayon ay pawala na ang paghihilab.
Nang makarating sa floor na nais ko ay nagmamadali na kong maglakad dahil padilim na rin, natagalan lamang ako dahil sa paghihilab ng tyan ko. It's already 6pm na and medyo wala ng tao sa floor na 'to.
Pumunta na ko sa desk ko at isa isang inayos ang mga gamit na dadalhin ko pag uwi. Nakaramdam ako ng tao sa likod ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko, bigla akong kinabahan.
Lakas loob akong tumingin sa likod ko at nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Bryan ang nasa harapan ko.
"Hi angel! Gugulatin sana kita kaso naunahan mo 'ko" natatawa nyang sabi habang kumakamot sa ulo
"Akala ko kung sino yung naramdaman ko sa likod ko! Wag ka ngang ganun" kinakabahan ko pa rin sabi, natawa naman sya dun
"I'm sorry but what are you doing?" curious nyang tanong
"Ah nagliligpit na ako ng mga gamit"
"Need help?" mabilis naman akong tumango, sa dami kasi nitong dadalhin ko siguradong makakatatlong balik ako dito.
"Sige dadalhin ko na ito sa baba then balik rin ako agad after ko bumili ng coffee" nakangiti nyang sabi sabay kuha ng iba kong gamit at umalis.
"Thank you!" maligaya ko pang sabi
Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga gamit at balak na rin ibaba ang mga kaya kong dalhin nang makarinig ako ng mga yapak. Nakangiti akong humarap sabay abot sa kanya ng mga dala ko.
"Ang bilis mo naman bu-" ang kaninang ngiti ay biglang nawala nang makita ang taong nasa harap ko. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay hindi ang inaasahan ko at ang kapeng inaasahan ko ay kutsilyo ang dala.
Wala sa sarili kong nabitawan ang box na dala ko nung unti unti syang lumapit sakin.
Naaalala ko sya! Sya yung bumunggo sakin kanina sa parking lot!
Pero anong ginagawa nya rito? At anong balak nya
Agad akong napahawak sa tyan ko dahil sa pwedeng masamang mangyari samin mag ina.
"S-Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" kinakabahan kong tanong pero di sya sumasagot
"Ikaw y-yung bumunggo sakin kanina diba?" wala na naman sagot pero nakarinig ako ng mahinang tawa.
Nanuyo ang lalamunan ko, naging blangko ang isipan lalo na nung tumakbo sya papunta sakin. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw sa mangyayari, the last thing I know is...
May dugo... Maraming dugo.
______________________________________
Please don't forget to vote and leave comments! :)
missgeraldayn
❣
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?