Nang mapatahan ako ay dahan dahan nya kong pinaupo sa sofa at umalis saglit, pagbalik nya ay may dala nya syang ointment.
"Give me your hand" napatitig ako sa kanya, nagtataka
"What? I said, give me your hand, the one that have burn because of that fvcking coffee" inis na sabi nya, nagtataka man kung paano nya ito nalaman ay dahan dahan ko itong ibinigay sa kanya, inis syang tumingin sakin bago muling tignan ang kamay kong namamaga
'Ano bang problema ng lalaking ito?'
"I've heard about what happened in your hands" di ako sumagot
"Albert told me the whole story" di pa din ako sumagot
'Ayan! Judge pa!' napairap na lang ako
"Hey, are you mad?" tanong nya, muli ay di ako sumagot. Napabuntong hininga na lang sya
"Hoy!" sigaw ko dito ng bigla akong dampian ng halik sa labi, inosente naman itong tumingin sakin
"Why? I have to make sure na di ka galit sakin" pagrarason na
"With a kiss?!" inis na tanong ko dito
"Uhuh?" patanong nyang sagot kaya inis kong kinuha ang unan sa sofa at ibinato sa kanya iyon
"Ouch" reklamo nya at mukhang gaganti kaya agad akong lumayo
"So do you think, you can run away from me?" mayabang na tanong nito, di ako sumagot sa halip ay nagpaplano na kung paano ako makakapasok ng mabilis sa aking kwarto
"When I catch you, what do you want me to do with you?" mapanghamon nyang tanong habang nag iikutan kami sa sofa
"I don't know, pero I'm sure na hindi mo ako mahuhuli" mayabang kong sagot ngunit ganun na lang ang sigaw ko ng talunin nya ang sofa para mahuli ako! Buti na lang ay maliit ako kaya nakayuko ako agad at mabilis na tumakbo
"Wait, may kumakatok sa pinto" biglang sabi nya at dahil malapit lang ako sa pinto ay ako na ang nagbukas
"Wala nama-"
"Gotcha!" halos matumba kaming dalawa sa labas ng bigla nya kong dambahin
"Madaya ka!" angal ko habang pumapalag ngunit masyado syang malakas para makawala ako agad. Mabilis na nasara ni Diego ang pinto kaya agad nya akong sinandal doon.
"What?" matapang kong tanong dito ngunit sa halip na sagutin ako ay agad ako nitong sinunggaban ng halik sa labi, nung una ay marahas ngunit ngarinig nyang dumaing ako ay naging kalmado na ang paghalik nya, nagagawa nyang pasunurin ang labi ko sa simpleng paghalik nya
"Aalis ka pa ba dito?" tanong nya matapos akong halikan
"No" diretso kong sagot, tila ba'y nawala ako sa sarili dahil sa kanyang halik. Pinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat, alam kong nahihirapan sya dahil sa tangkad nya at liit ko.
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?