"Good morning baby" masayang bati ko sa kanya habang nag aayos ng plato sa umagan namin bago pumasok sa opisina
"Good morning" pormal nyang sabi bago umupo
'Where's my good morning kiss?'
Matamlay akong napangiti bago sumunod sa pag upo, ilang days na syang ganito sakin. I don't know what's going on pero matapos ang gabing yun ay biglang nagbago ang pakikitungo nya sakin. Hindi ko na lang pinapansin dahil naisip ko na baka dahil sa trabaho lang yun dala ng ilang beses na leave ang ginawa nya sa trabaho.
"I'm done, aalis na ko" mabilis na sabi nya bago tumayo at aastang aalis
"Pero hindi ka pa tapos kumain" pigil ko rito
"I'm sorry baby, marami pa kong gagawin sa opisina" sabi nya bago ako halikan ng mabilis sa labi at mabilis na umalis. Naiwan akong nakatayo sa harap ng lamesa, ilang araw na rin nya kong hindi sinasabay sa sasakyan nya kaya ending ay commute ako, hindi naman sa naghahangad ako na isabay nya ko pero parang may mali eh.
"Good morning" bati ko sa guard ng hotel pagdating ko, bumati rin ito sa akin bago ako tuluyang sumakay ng elevator. Nang makarating sa tamang floor ay napatingin ako sa pintuan ni Diego bago pumunta sa pwesto ko at inayos ang mga gamit na naiwan ko roon kahapon.
"Good morniiiiing!" masayang bati ni Lalaine sakin, isa pa ito sa mga rason kung bakit ako mas lalong naguguluhan. Halos araw araw na kung pumunta rito si Lalaine sa opisina ni Diego at hindi man lang nya ito pinipigilan! Nang subukan ko itong pigilan ay sinabihan lang ako ni Diego na hayaan ko na lang daw. I can't believe him!
"Nandyan na ba si Diego?" tanong nya pero suplada na kung suplada pero hindi ko sya sinagot. Natawa lang sya ng mahina bago tuluyang pumasok sa loob ng walang katok katok! Masama akong tumingin sa pintong pinasukan nya!
Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho hanggang sa umabot ang lunch, napatingin ulit ako sa pinto.
'This time, sasabay na kaya syang kumain sakin?'
Huminga ako ng malalim bago tumayi at kumatok saglit bago tuluyang pumasok, nakita ko kung paano lang ako tapunan ng tingin ni Diego habang may kausap sa telepono habang si Lalaine naman ay nakangisi lang sakin.
"Sir, lunch na po kailangan nyo na p-" natigil ang pagsasalita ko ng bigla nyang iangat ang hintuturo nya sign na pinapatigil ako sa pagsasalita, tumalikod sya sakin bago muling kausapin ang nasa kabilang linya.
"Yes Mr. Salvador, can you give me a second?" mahinang sabi nito bago bumaling sakin
"You can eat first, mamaya na ko kakain" mabilis na sabi nya bago ako talikurang muli, natameme ako sa inasta nyang yun
"Sige po, s-sir" mahinang sabi ko bago tumalikod para lumabas na ng pinto at bumalik sa pwesto ko. Kinuha ko ang bag ko at linabas dun ang dalawang baunan na para sana sa lunch namin ni Diego, tahimik ko lang yun pinagmasdan hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto. Unang lumabas doon ay si Diego, nakangiti akong tumingin sa kanya para iabot sana ang baunan na may lamang pagkain para sa lunch nya ng biglang may sumunod sa kanya papalabas.
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?