Maaga akong naging kinabukasan para sa pagkikita namin ni Steph. Hindi ko na inabalang tignan pa ang cellphone ko dahil alam ko naman na walang tumawag o nagtext man lang doon. Mapait akong napangiti ng maalala si Diego, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ano pa ba kami? O nagkaroon ba talaga ng kami?
Kakatapos ko lang magbihis ng makarinig ako ng katok mula sa pinto. Sumilip ako sa peep hole at bahagyang nanlaki ang mata ng makitang si Lalaine ang nasa labas. Anong ginagawa nya rito?. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at ang nakakainsulto nyang ngisi ang bumungad sakin.
"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko
"Oh? Ganyan ba talaga bumati sa bisita?" nakangisi pa rin na sabi nya
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"
"Well, I have my sources. Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" kahit ayaw ko ay ayoko naman maging bastos kaya naman nilakihan ko ang pagbukas sa pintuan at agad naman syang pumasok at umupo sa sofa.
"Do you need any-"
"Hindi na 'ko magpapaligoy ligoy pa, Angel" napahinto ako sa pagtatanong sa biglaang pagsalita nya pero hindi na ko sumagot at bigla na lang kinabahan.
"As can you see these past few weeks, Philip and I are already in a relationship again" nakangiting sabi nya sakin, biglang nangatog ang aking mga tuhod pero hindi ko yun pinahalata sa kanya kahit ilang saksak na sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa narinig.
"So, I just to clarify some things to you" tumayo sya at naglakad sya papunta sa kanan at babalik sa kaliwa. Paulit-ulit.
"First is that Philip is just using you para mapagselos ako" hindi pa rin ako nagsasalita
"Second is that you are such a big problem for him, gusto na nyang umalis sa condo nya pero pinapakiusapan lang sya ni Tita Ev dahil nga wala kang kasama"
"And last but not the least, he never really loved you" hindi ko alam kung mas may isasakit pa ba sa mga narinig ko mula sa kanya. Lumapit sya sakin habang ako naman ay halos manliit sa mismong kinatatayuan.
"It sucks, doesn't it? You love him but he doesn't love you back...sucks bad" narinig ko pa ang mahinang tawa nya habang ako ay nakaupo, unti unting namumuo ang luha sa mga mata.
"You cannot stop thinking about him while he never thinks about you" nasa tinig nya ang pangungutya
'Masyado lang ba talaga akong umasa?'
"You can't stop planning about your future with him but he doesn't even want to be part of your present!" natatawa pa nyang sabi
"And last! You always give him all of your time but he's never there when you need right? Gosh, sucks bad right? C'mon wake up girl, he never loved you" huling lintanya nya bago kusang lumabas sa unit ko. Unti unti akong nanghina na mismong pagsara ng pinto ay hindi ko na nagawa at basta na lang akong napaupo sa sahig, iniisip ang mga sinabi ni Lalaine.
'Problema nga lang ba ang dala ko sa kanya?'
'He really doesn't love me'
Umiyak lang ako ng umiyak kahit na naririnig ko na ang tunog ng cellphone ko, hudyat na may tumatawag pero hindi ko yun sinagot bagkus ay hinintay kong matapos ang pag ring bago ko maisipan itext ang isang taong alam kong mahal na mahal ko, kahit hindi ako mahal.
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?