Chapter 16

19 4 0
                                    

"Ganyan ka ba talaga kapag makikicharge lang?" tanong ko dito habang pagod na nakahiga sa isang braso nya dahil kakatapos lang namin ng pang apat na round!, tawa lamang ang isinagot nya










"Sayo lang" maya-maya'y sagot nya










"Sus" pang aasar ko pa










"Do you trust me?" tanong nyang muli










"Yes"










"Then, if I say na sayo lang eh sayo lang talaga" hindi ako nakasagot










"Sleep" utos nito ng hindi ako sumagot at kahit hindi nya iutos ay susunod ako dahil inaantok na ko sa pagod










"Sleep now, baby" hindi ko na masyadong nalinawan ang pagkakasabi nya dahil agad akong nakatulog









Kinaumagahan ay pagod na pagod pa din akong tumayo, agad akong uminom ng tubig at nag hilamos. Nang lumabas sa kwarto ay ang tahimik ng condo. Dumiretso ako sa kusina at may nakitang sticky note doon.










'Wag ka munang pumasok, I know na pagod ka
-D.'










Agad namula ang magkabilang pisngi ko sa nabasa at kumain na lamang ng almusal.










Dahil wala naman akong pasok ay pwede kong bisitahin si Steph ngayon kaya agad ko syang tinawagan.










"Hi" excited kong sabi sa kanya










[Yow, kamusta ka naman bruha ka!]










"Busy ka ba today?" agad na tanong ko










[Hindi naman, free ako ngayong umaga hanggang tanghali] nang marinig ang sagot ay agad akong napasuntok sa hangin











"Okay, send me you address and I'll be there in 1 hour, bye!" masayang sabi ko bago ibaba ang tawag, maya maya ay may text ng dumating na galing kay steph na naglalaman ng address nya.










Itetext ko sana si Diego na aalis ako nang maalala na wala nga pala syang pake kung saan ako magpunta.










'Ano ako girlfriend?'










Tulad ng inaasahan ay mabilis akong nakarating sa adress na ibinigay sakin ni Steph, at ang gaga nakaabang na agad sa labasan!










"Angeeeeeeel!" malakas na sigaw nya na agad nakapukaw sa atensyon ng iba










"Hoy! Para kang sira hahahaha" saway ko dito habang ninanamnam ang yakap nya.











"Tara na?" napagpasyahan namin na pumunta muna ng coffee shop para magkwentuhan sa mga nangyayari  na samin. Malapit lang iyon sa Condo na tinitrahan nya kaya nilakad na lang namin.










Nang makarating ay agad kaming umorder at agad na naghanap ng upuan si Steph, nagtalo pa kami kung sino ang magbabayad at sa huli ay ako ang nanalo dahil gusto ko syang gantihan sa mga mabubuting ginawa nya sakin noon.











The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?Where stories live. Discover now