Chapter 2

37 5 0
                                    

"Yes, I'm with her"








"What? Paano kung masira ang image ko pag dinala ko sya sa ospital?!"












"It's not my fault! This woman is tumatawid kahit naka go signal na!"












"No, she's not dead"












"Fvck! Fvck! Fvck!"  unti unti akong naalimpungatan mula sa pagkakahilo ng makarinig ng isang boses












"Ugh" napaungol ako ng maramdaman ang sakit na gumuhit sa aking ulo












"You're awake" napatingi ako sa gilid ko ng may magsalita doon












"Sino ka? Nasan ako? Bakit ako nandito?" taranta kong sabi at ng subukan kong buksan ang pinto ay nakalock ito.












"Calm down woman, Na... Nabunggo kita kanina pero di ganun kalakas.... I mean di naman talaga kita nabunggo....siguro" lumikot ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon, unti unti namang bumalik sakin ang alaala ng pag alis ko sa condo at ang pagnakaw sa mga gamit ko hanggang sa may rumaragasang sasakyan ang papunta sakin.












"Bakit buhay pa ko?" mapaklang tanong  ko dito












"What?" singhal nya sakin












"Wala ng rason para mabuhay pa ko, wala ng natitira sakin kaya bakit binuhay mo pa ko?" sabi ko habang tumutulo na naman ang luha ko












"Look miss, kung anong kaartehan ang meron ka sa buhay mo wag mo 'kong idamay! Anong bakit binuhay pa kita? Gagawin mo pa kong kriminal? Ha!" inis na sabi nya, di ako makapaniwala sa sinabi ng lalaking nasa gilid ko ngayon












"Antipatiko!" sigaw ko dito para buksan ulit ang pinto ngunit nakalock pa din ito












"Buksan mo ang pinto!" sigaw ko dito












"Okay" kibit balikat nyang sabi bago tanggalin ang lock, inis akong bumaba at ibabalibag na sana ang pinto pasara ng may maalala, sumilip ako ng bahagya.












"Yung phone ko?" tanong ko sabay lahad ng aking kamay












"Oh, here" inabot nya sakin ang phone ko na hindi ko na lubos makilala dahil sa pagkakabasag












"Ha! Anong nangyari dito?! Bakit ganito na?!" inis na tanong ko sa kanya












"Sino kayang tanga ang biglang itatapon ang cellphone sa daan...yan tuloy nasagasaan ko" pang aasar na sabi nya












"Gago!" galit sa sigaw ko bago ibato sa kanyang mukha ang phone kong sira tsaka isinara ng malakas ang pinto












"Hey woman! Fvck!" rinig ko pang tawag nya pero wala na kong pakealam doon dahil ang iniisip ko ay kung saan ako titira at hahanap ng trabaho sa mga susunod na araw.













The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?Where stories live. Discover now