"Ash?" tumingin agad sa gawi ko si Ash ng tawagin ko sya, halata sa mukha nito ang gulat ngunit agad din naman nawala
"Angel" tawag din nito sakin, gusto ng tumulo ng luha ko ngunit pilit ko itong pinipigilan.
"Kamusta?" tanong ko, ngumiti sya sakin at kita ko dito na hindi yun pilit
'Hindi pa din sya nagbabago'
"Ayos naman, ikaw?" Tanong nya naman pabalik
"Ayos lang din, may maayos na kong trabaho" sagot ko, tumango lang sya. Gusto kong ipaalam sa kanya na may trabaho na ko dahil gusto kong maramdaman nya na atleast may narating na din ako kahit papaano, na hindi na ko umaasa sa magulang ko.
"Good for you" nakangiti nyang sabi, bago pa man tuluyang tumulo ang luha ko ay nagtanong agad ako
"Nasan yung anak mo?" Tanong ko ng mapansin na wala syang kasamang bata
"Ah, kasama ni zed" diretsong sabi nya, natigilan ako saglit dahil hindi ko inaasahan na babanggitin nya si zed knowing na may issue samin noon.
"Birthday ngayon ni zed" dagdag pa nya
"Oh, I see" sagot ko at saktong nandyan na yung binili nyang cake kaya nagpaalam na sya sa akin
"Sige, mauna na ko" nakangiting sabi nya sakin bago ako talikuran
'C'mon Angel! It's now or never!'
Humugot ako ng malakas na hininga bago sya tinawag muli.
"Ash" dahan dahan syang humarap sa akin
"Pwede ba tayong mag usap kahit saglit lang?" mahinang sabi ko at mas lalong nag ulap ang paningin ko
"Sige" sabi nya bago tumungo sa isang upuan, agad naman akong sumunod at umupo sa tapat nya
"Ash, I'm sorry" hindi ko na napigilan ang luha ko, umiyak na ko at wala akong pake kung may makakita sakin na umiiyak, hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pag sasalita
"Alam ko ang tanga tanga ko kasi sarili kong kaibigan nagawa kong agawan" humahagulgol na ako ng hawakan nya bigla ang kamay ko
"Matagal na yun Angel, napatawad na kita kahit di ako nakarinig ng sorry sayo" mas lalo akong naiyak, God knows kung ilang beses akong nagtangka na humingi ng sorry sa kanya ngunit nauunahan ako ng takot na baka mas lalo syang magalit sakin
"Gusto lang kita payuhan, before cheating or hurting someone isipin mo muna, what if sayo gawin yun?" mas lalo akong umiyak ng makitang naluha na din sya, hindi ako sumagot
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?