"Hi, miss gorgeous!" nawala ang pagiging tulala ko ng bumungad sakin ang mukha ni Diego
"Bryan"
"Tulaley ka ah hahahahahaha" agad akong umiling
"May iniisip lang" sagot ko
"Si master?"
"H-huh? H-hindi ah" agad kong tanggi na ikinatawa nya
"Miss gorgeous, si master kako nasaan? Hahahahahahaha" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya
"A-akala ko kasi..." di na madugtungan ang sinasabi
"Bakit sya no? Uuuuuy si Angel may gusto kay masteeeeer!" pang aasar nya
"Oy ano ba! Tumigil ka nga baka may makarinig sayo dyan" suway ko bago lumingon sa hallway. Tinawanan lang ako ng loko bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni sir. Napahawak na lang ako sa sariling dibdib dahil sa lakas ng kabog nito.
Siguro'y mga kalahating oras bago lumabas si Bryan sa office at kasama na nito si Sir Diego.
"Hi, miss gorgeous" nakangising bati nito sakin, agad ko din naman nakita ang pagsiko nito kay Diego para mapatingin din sakin, tanging tango lang ang iginawad nya bago magpatuloy sa paglalakad.
"Bye for now miss gorgeous, isasama ko lang si master ah"
"Okay" sagot ko dito
"Baka kasi hanapin mo eh, don't worrt magkasama pa din naman kayo sa condo hahahhahahaha-"
"BRYAN!" nang marinig ang sigaw ni Diego ay agad itong kumaripas ng takbo paalis.
At dahil nga wala si Sir Diego ay wala lang din akong ginawa sa hotel dahil wala naman ng uutos, hapon na ngunit wala pa din sya kaya naisipan ko ng umuwi. Habang naglalakad ay naisipan kong dumaan muna sa isang coffee shop para sana magkape at magpahinga na din saglit.
"One hot chocolate, please" nakangiti kong sabi bago naghanap ng mauupuan
Habang naghihintay ay tumingin muna ako sa bintana para makita ang labas. Pagabi na at nagbubukasan na ang mga ilaw sa daan, nawala ang pagmumuni ko ng may umupo sa harap ko.
"Woud you mind if I sit here?" tanong ng lalaking nakaupo na ngayon sa harapan ko
'Nagtanong ka pa e nakaupo ka na nga'
"Sige lang, upo ka lang dyan" sagot ko at hindi na sya pinansin
"I'm Mark" napatingin ako sa kamay nya na ngayon nakalahad sa harapan ko, tinignan ko lang iyon at hindi pinansin.
"Wew" maikling sabi nya bago binawi ang kamay
Nang dumating ang order ko ay agad akong tumayo para umalis, nang nasa pintuan na ko ay agad na naman sumulpot yung lalaking umupo sa harapan ko kanina.
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
Hayran KurguShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?