Chapter 3

26 5 0
                                    

Naalimpungatan ako kinabukasan ng sabay sabay marinig ang katok sa labas ng pinto kasabay naman nun ay tunog din ng doorbell, at dahil sa sala lang ako natulog kagabi ay rinig na rinig ko ito. Tamad akong tumayo at kumatok sa pinto si diego.












"Diego?" pagtawag ko dito mula sa labas ng pinto ng kanyang kwarto












"Diego? May bisita ka yata" dagdag ko pa ngunit ungol lang ang narinig ko, mukhang mahimbing pa ang pagkakatulog nito.












Naglakad ako papuntang lababo upang doon na lang maghilamos, hindi pa din tumitigil ang pagkatok sa pinto.












"Di ba sumasakit ang kamay nya sa kakakatok?" inis na tanong ko sa sarili, nang makapag ayos na ay dumiretso na ko sa pinto upang pagbuksan ang sino mang tao doon.












"Why you're so-" napatigil ang isang babae sa pagsasalita ng makita ako, sa tingin ko ay nasa 40's na sya ngunit di maitatago ang angking ganda nito samahan pa ng maputi nyang balat












"Who are you?" ang maamo nyang mukha ay naging mataray ng ganun kabilis












"A-ah-" naputol ang sasabihin ko ng humakbang ito paabante para tuluyang makapasok sa loob












"I said, who the hell are you?" maawtoridad nyang sabi












"A-ako po si-"












"Mom" sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, maski ako ay hindi naramdaman ang paglabas ni diego sa kanyang kwarto












"What are you doing here?" tanong ni diego sa kanya ina












"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo? Anong ginagawa ng babaeng ito sa condo mo at sino 'to?!" galit na tanong nito sa anak bago ako tignan ng masama, ako naman ay napayuko na lang sa hiya












"Mom, sya yung kahapon" simpleng sagot ni diego bago tuluyang lumapit sa ina para bumeso












"Anong kahapon?" halata sa tono nito ang pagtataka












"The one...that....yeah, I'd hit yesterday" pag papaalala ni diego dito, rumehistro agad ang gulat sa mukha nito bago ako tignan ng dahan dahan, mas lalo akong kinabahan.












"Omg hija, are you alright? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba? Pagpasensya ka na sa anak ko ah tatanga tanga kasi talaga yan pag nagmamaneho eh" sunod sunod na sabi nito na syang ikinagulat ko, tinignan ko si diego na may halong pagtataka ngunit nginitian nya lang ako bago kami talikuran.












"A-ah hindi po, wala po, ayos lang po" sunod sunod ko din na sagot












"Ha?" naguguluhan nyang tanong












"Sinagot ko lang po yung tanong nyo in order" nahihiyang sagot ko, tumango naman sya bago ako tinitigan ng matagal












The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?Where stories live. Discover now