Hindi ko alam kung paanong nakauwi ako ng araw na yun dahil sa pagkawala ko sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon ni Albert dahil sa nalaman nya at mas lalo akong nalungkot dahil sa reaksyon nya kanina. Matapos ang nangyari kanina ay pinilit pa kong umuwi na lang ni Diego pero hindi ako pumayag dahil gusto kong magpakabusy sa area na yun. Gustong mawala sa isipan ko ang nangyari pero pilit yun pumapasok sa isip ko.
'Paanong naroon sya?'
Ni hindi ko man lang sya napansin sa loob nun, sabagay dahil kay Ash lang ako naka-focus. Mabilis akong nakarating sa floor kung nasaan ang condo unit ni Diego, bahagya pang nakabukas ang pinto kaya hindi na ko nag abala psng kumatok. Pero agad rin napahinto sa pagpasok ng may marinig akong nag uusap sa loob.
"Oo pre! Kabit raw si Angel!"
"Ha? Seryoso ka ba dyan?!"
"Oo pre! Sa bibig mismo ni Lalaine nanggaling yun!"
"Baka naman hindi si Angel yun! Ang bait bait ng tao eh"
"Sus! Nandun ako ng sabihin ni Lalaine yun!"
"Pero mukha syang inosente at-"
"At nasa loob ang kulo!" napahawak ako ng mahigpit sa doorknob, tumingala ako para mapigilan ang luha na gusto ng lumabas pero hindi maaari. Huminga muna ako ng malalim bavo tuluyang pumasok, umasta pa kong nagulat na nandito sila sa condo ni Diego, tuloy ay naputol ang pag uusap nila tungkol sakin. Naroon si Lee, Bryan at Albert. Hindi ko alam kung sino ang mga nag uusap usap kanina pero nasisiguro kong isa roon si Albert. Binigyan ko sila ng tipid na ngiti bago dumiretso ng kwarto, naiwan silang nakatulala kung saan ako nakatayo kanina.
Saktong pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay sya namang labas ni Diego sa kanyang kwarto, nagulat rin sya sa presenya ko pero agad na bumalatay ang pag aalala sa kanyang mukha dahil sa itsura ko ngayon. Binigyan ko rin sya ng tipd na ngiti bago tuluyang pumasok sa loob.
Pagkasara ng pinto ay agad akong napasandal doon at dahan dahang umupo kasabay nun ay ang sunod sunod na pag agos ng mga luha galing sa aking mata. Napatakip ako ng sariling bibig matapos kong humikbi ng malakas, napapasuntok na rin ako sa aking dibdib dahil sa paninikip nito. Masakit, masakit na masakit pero kung iyak lang ang tanging paraan para mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko ay titiisin ko ang paninikip ng aking dibdib. Nagulat ko ng biglang may kumatok sa pinto ko pero hindi man lang nun napatigil ang luha ko, kumatok itong muli bago magsalita.
"Angel? May I come in?" si Diego yun!
"H-ha?" humihikbi kong sabi
"May I come in?" bakas sa boses nito ang pag aalala, dahan dahan akong tumayo at pinilit na pinunasan ang mukha na puno na ng luha tsaka dahan dahan binuksan ang pinto kung saan nakatayo ang isang lalaki na kailangan ko ngayon.
Agad kong napansin ang pagkagulat sa kanyang mata pero agad din yun napalitan ng awa! Ayun na naman ang pangingilod ng luha ko!
"Why are you crying?" tanong nya pero hindi ko sya sumagot dahil kapag nagsalita ako ay mag uunahan ang pagbagsak ng aking luha. Hindi nya siguro narinig ang pag uusap ng tatlo kaya ganito na lang ang pagtataka nya.
Tuluyan na syang pumasok sa loob at marahang inangat ang mukha ko at pinakatitigan iyon.
"Tell me, why are you crying?" puno ng pag aalala na tanong nya
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?