Chapter 7

22 5 0
                                    

Lumipas ang ilang araw na abala kaming pareho ni Sir Diego dahil sunod sunod ang kanyang mga meetings. Simula ng umuwi si tita ev galing unit nya ay di na sya nakaganti pang muli sakin.












"Coffee please" mula sa intercom













"Yes sir" agad na sagot ko bago tumayo para gawan sya ng kape. Medyo nasasanay na din ako sa mga gawain dito kahit minsan ay nakakahilo. Si Sir Lee naman ay lagi na ding pumupunta dito kaya ganun na lang palagi kasama ang tingin sakin ni Sir Diego, iniisip nya na malandi talaga ako na nilalandi ko si Sir Lee.












Nang matapos magtimpla ng kape ay dahan dahan sana akong kakatok sa kanyang opisina ng makarinig ng mga ingay sa loob, lalo na ng marinig ang kanyang pangalan sa loob.












*Third Person POV*












"Magsilayas nga kayo dito!" banas na sigaw ni Diego sa kanyang mga kaibigan












"Para naman wala tayong pinagsamahan nyan, master!" nagtatampo kunwaring sabi ni Bryan












"Wala ka bang pagkain dito?" Tanong ni Albert na palaging gutom












"Nasaan si Angel, master?" mahinahong tanong ni Lee habang nakaupo sa couch, sinamaan naman sya agad ng tingin ni Diego












"Aalis kayo o hindi?" nagbabantang tanong ni Diego sa tatlo












"HINDI!!!" sabay na sagot ng tatlo











Napatigil lamang sila sa pagkakahulo ng mga kumatok sa pinto at niluwa nito si Angel na may hawak na kape. Bakas ang gulat nito sa kanyang mukha nung makita ang apat na nagbabangayan.












"A-ah sir, ito na po yung kape" nauutal na sabi ni angel bago ilagay ang kape sa table nito, aalis na sana sya ng harangin sya ni Bryan











"Hi miss gorgeous!, I'm Bryan with a B for baby" kumakaway pang sabi nito kay angel bago makipagkamay sa dalaga. Nahihiya namang tinanggap yun ni Angel. Agad namang tumakbo si Albert para makipagkamay din.












"Hi beautiful! I'm albert" nakangiting sabi nito bago ialok ang kamay at tinanggap din ito agad ni angel.












"Lee ano na?! Di ka ba makikipagkamay?!" maagap na tanong ni bryan dito












"Hindi na, kilala ko na sya" maangas na sagot nito, nagyayabang. Napailing na lang si Diego sa inaasta ng tatlo.












"Ha?! Bakit di mo naman sinabi sakin?!!!!" inis na tanong ni Bryan sa kanya












"Aba! Nagtanong ka ba? Bobo!" sagot ni Lee












"Suntukan na lang oh!" pag aangas ni Bryan na tinawanan lang ni Lee












"Aalis na po ako" sabi ni angel bago tuluyang lumabas, narinig pa nyang nagsisigawan ang magkakaibigan kahit na magkakalapit lang ito.













The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?Where stories live. Discover now