Mabilis natapos ang araw na yun, hindi namin napansin ang oras dahil sa pagsasaya naming lahat. Kung ituring ako ng tatlo ay parang prinsesa habang si Diego naman ay Reyna ang turing sakin. Talagang pinaparamdam nila sakin ang pagmamahal na gusto nilang ibigay sakin at ramdam na ramdam ko naman yun, lalo na ang pag aalala at pag aalaga nila sakin pero syempre hindi papalamang si Diego. Sa tuwing lalapit sakin ang tatlo para bigyan ako ng pagkain o di kaya'y inumin ay hinaharangan nya ang mga ito at kukuha sya ng ibibigay sakin.
"Ang ganda talaga ng mga bituin" sabi ko habang nasa terrace kasama si Diego, nandito na kami ngayon sa kwarto nya at nag usap muna tungkol sa isa't isa, matapos nun ay tumambay na kami rito sa labas.
"Mas maganda ka" nakangiting sabi nya
"Corny" pang aasar ko, natawa lang sya at umiling
"Kailan mo balak umpisahan ang pangarap mo?" nakatingalang sabi nya, tumingala rin akoat nakakita ang isang eroplano sa taas
"Mag iipon muna ako" nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ito
"I told kaya kitang ipasok kung saan ako piloto" umiling ako sa sinabi nya
"Buong buhay ko puro na tulong ang natatanggap ko, gusto ko naman ngayon na sariling sikap ang gagawin ko para maabot ko ang pagiging Flight Attendant" nakangiting sabi ko at humarap na sa kanya
"Paano kung hindi ka matanggap?" sabi nya, naghahamon. Ngumiti ako ng malaki
"Edi maghahanap ng iba" sagot ko
"Paano kapag wala pa rin?"
"Maghahanap ulit, hindi ako susuko hanggat hindi ako nakakahanap ng tatanggap sakin tulad ng pagtanggap nyo sakin" nakangiting sabi ko
"Ikaw ang dahilan para bigyan ko ng tiwala ang sarili ko at ikaw rin ang dahilan para ipagpatuloy ko ang binunuo kong pangarap" dagdag ko pa
"Ang sarap sa tenga, kailan mo ba ko sasagutin?" nakangiting tanong ni Diego sakin
"Nagmamadali ka ba?" tanong ko
"Hindi naman, it's just that I can't wait call you mine" nakangiting sabi nya sakin, hindi ako sumagot at tumitig na lang sa kawalan.
"I miss my parents" mahina kong sabi
"Do you want to visit them?" tanong nya
"Natatakot ako" napatingala ako para pigilan ang nagbabadya kong luha
"Why?"
"Hindi naging maganda ang dahilan kung bakit mag isa ako ngayon, baka hanggang ngayon galit pa rin sila sakin" may tumulo na luha sa mata ko pero agad ko rin yun pinunasan
"How will you know kung hindi ka magpapakita?" hindi ako nakasagot
"Let's go there tomorrow" napatingin ako sa kanya
YOU ARE READING
The Girls Series 2: Where Do Broken Heart Goes?
FanfictionShe's the one who committed a sin He's the one who sinned What if the world of these two, meets? Will he change his mind about his insights? Will she feel the love she has long hoped for? Or Faith is giving them a lesson?