CHAPTER 1

226 61 0
                                    

Mabigat ang dibdib na nag lalakad papasok ng isang bar. Usap-usapan na naman ang pang babae ng asawa ko.





Inilibot ko ang aking mata sa loob ng isang malaking bar. Magulo, Amoy alak, pero hindi nakawala sa pang-amoy ko ang masangsang na amoy. Dumapo ang aking mata sa isang lalaki at isang babae na nag sasayaw sa gitna ng bar.




Hinablot ko ang collar ng kanyang suot at iniharap sa akin. Umamo ang kanyang mukha at ngumiti sa akin.




God i love this man so much.




"Babe." Lumapit ito yumakap sa akin tila kami lang dalawa ang narito at wala ang babae nyang kasama. "Umuwi na tayo mahal." Akmang hihilain nya na ako pero pinigilan ko sya.




Bumaling ang atensyon ko doon sa isang babae na may mahabang buhok at nakasuot ng red dress hapit na hapit ito sa kanya no wonder pati ang kasama ko sa trabaho ay nalandi nya.




"Ulitin mo pang lapit-lapitan ang asawa ko. Ako ang makakatapat mo." Pagkatapos niyon ay hinila ko na palabas si Achilles sa lugar na iyon.




Habang na sa sasakyan ay namayani ang katahimikan. Ako ang nag mamaneho ng sasakyan dahil lasing na si chill.




Chill ang tawag ng mga kaibigan ni Achilles sa kanya dahil lagi daw itong galit nang teenager pa lamang ito.




"Chill ano na naman yang laman ng balita? Ikaw naman lagi. May asawa't anak ka na." Sinusulyapan ko lang sya ng titig.




"Sorry hon hindi na talaga mauulit." Hindi ko nalang sya pinansin pa.




Iyan lagi ang bukambibig nya sa tuwing nahuhuli ko syang may kasamang babae.





Inilabas ko na sya ng sasakyan at inalalayang maglakad. Sinalubong naman kami kaagad ng yaya ni mika, my daughter.




"Ma'am Hali na ho kayo at tulungan ko kayo." Nag patulong nalang ako dahil baka matumba pa kaming dalawa ni chill sa sobrang bigat nya.




"Nasaan na po si mika, manang?" Tanong ko rito.




"Na sa kwarto na po nya. Ayaw po matulog dahil hinihintay kayo." Ngumiwi sya.




"Sige po mamaya ko nalang po sya pupuntahan." Saad ko.




"Maraming salamat po manang." Nag pasalamat ako sa kanya nang mailapag namin si Chill si higaan. Pinakuha ko lang si manang ng tubig at towel para malinisan ko si Chill.




Tinanggal ko na ang kanyang sapatos at sinimulang tanggalin ang polo niya.
Nangunot ang noo ko nang makita ang mantsa na pula sa damit nya. Nagkalat ito kanina ay hindi ko ito napansin sa bar dahil madilim at siksikan ang mga tao.





Tinanggal ko ang pantalon nya at nakita ang maraming natuyong dugo sa paanan nito. Hindi ko nalang ito pinansin at sinuotan ng short at malinis na shirt si chill.





Inilagay ko na rin sa labahan kanyang maruming damit at bumalik sa kama.





Pinakatitigan ko ang kanyang maamong mukha.





"Everyone still wondering if we are still a Happy couple" I sighed "I love you Chill"




- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now