CHAPTER 20

30 9 0
                                    

"Manong saan po dito ang pinakamalapit na palengke?" Tanong ko sa isang tricycle driver na nakahiga sa loob ng tricycle habang nag-hihintay ng pasahero.




"Nako malayo na po ma'am. Nag sarado na po kasi ang public market na malapit dito." Nag taka naman akong tumingin sa kanya.




"Huy narding, temporary lang 'yon. Ikaw talaga mali-mali ang balita mo." Saad naman ng isa pang lalaking tricycle driver habang tumatawa.




"Sige po maraming salamat, babalik na lang ho ako." Saad ko habang kinukuha ang phone galing sa canteen bag ko.




Tinawagan ko si Kim. "Nasaan ka Iris? Bakit wala ka dito sa office? Nagsosolo ka na naman ba?"




"Nandito ako sa address na sinend mo sa akin. Ang mukha daw ng suspect ay may singkit na mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong at may maputing balat."




"May iba pa ba? Pupunta ako dyaan, sasamahan kita."




"Ang sabi ng kinausap ko ay sumakay raw ng taxi. Papunta na ako ngayon sa kabilang barangay para humingi pa ng copy ng cctv." I sighed. "Huwag ka nang pumunta, malapit na ako makauwi." Ibinaba ko na ang tawag dahil paniguradong mag bunganga na naman 'yon.




Nang makarating sa barangay hall ay sinalubong ako ng isang tanod. "Ano po ang maitutulong namin sa inyo ma'am?"




Kinuha ko mula sa aking bulsa ang I'd ko. "I'm Iris Delara Astrid. Gusto ko po sana makahingi ng copy of cctv footage taken last week? December 3, 2017?"




"Yes ma'am, sumunod po ka'yo sa akin." Nang makapasok sa loob ng kwarto ay sumalubong sa amin ang isang kapitan ng barangay. "Kap gusto n'ya daw makita ang cctv footage noong December 3."




"Ano ka?" Tumaas ang kilay ko.




"Tao" Maiksing tugon ko.




"Talaga sa gitna ng seryosong usapan, nakuha mo pa ang mag-biro?" Isang pamilyar na tinig ang narinig ko banda sa aking likuran kaya mabilis ko 'yong sinulyapan.




"What are you doing here Apollo?" Saad ko na mag gulat pa rin sa aking mukha.




"Bakit mahal, Bawal ba?" Tumawa ito nang mahina.




"Paano ka nakapunta dito?" Nakataas ang dalawa kong kilay.




"May pinuntahan kasi akong client dito sa mabini, sakto namang nakita kita na pumasok dito kaya sinundan kita." Kumindat pa ito sa akin.




"Hay Nako Ikaw talaga. Teka lang pwede mo naman akong hintayin doon sa labas. Hihingiin ko lang ang copy ng cctv footage." Nagaalangan pa itong tumango.




"Sige hihintayin kita, bilisan mo ah?" Ngumiti ako at tumango.




"Kap pakilagag nalang po dito ang copy ng cctv footage."




"Gabi po ba ma'am? Ito po ba ay tungkol sa pinantay na si Vincent?"




"Oo nga po, kilala n'yo po ba s'ya or may pwede po ba kayong maidagdag na impormasyon."




"Ang alam ko lang ang may asawa't anak 'yan si Cynthia Halily. Nasa Hospital nga 'yan ngayon. Ang sabi-sabi ay nakunan daw, ang Carlos naman na nag sasabing pumatay daw doon kay Vincent ay hindi na nag pakita. Nangibang bansa na raw kasi."




"Kung nangibang bansa na itong si Carlos. Bakit s'ya ang dinidiin na pumatay kay Vincent."




"W-wala naman akong alam dyaan, Diba nga sabi-sabi lang." Tumango ako.




"Kung itong si Carlos ay sikat sa kabilang barangay, malamang ay may kaibigan pa ito o kaya'y kamag-anak."




"Alam ko na ma'am Iris!" Sumigaw ang isang barangay tanod na sumalubong sa akin kanina. "Si Rojas, dati n'ya iyong ka batch mate. Malamang ay makakatulong s'ya sa inyo.





"Nako hindi mo alam ang takbo ng isip ng mga tao ngayon. Maya-maya ay mag sinungaling pa 'yan at maaaring may connection pa itong si batch mate kay Carlos at sabihin ang plano nyo at paginitan pa ka'yo."




Napukaw ng atensyon ko ang kumatok sa pintuan at iniluwa n'yon si Apollo. "Mahal matagal pa ka'yo? Or
mauna nalang akong umuwi."




"Ay hindi sa totoo lang ay tapos na, sabay na tayong umuwi."



- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now