"Magandang Umaga mga boss." Bati sa amin ng isang lalaki na may edad na rin, nakangiti ito habang pinagmamasdan kami isa-isa.
"Magandang Umaga rin po manong. Kamusta ho kayo?" Tanong ni Thirdy at ngumiti ang matanda.
"Okay lang ho ito, humihinga pa rin naman." Humalakhak ito nang malakas.
"Mabuti naman ho kung ganon." Tumikhim ito bago muling mag-salita. "Hindi na po tayo mag paligoy-ligoy dito, Saan n'yo ho ibinaba ang isang lalaki noong December 3?"
"Hindi mo 'man lang ako pinaupo?" Humalakhak ito muli, kinuha ang upuan at umupo roon. "Sa Construction site ko lang sya ibinaba. Matagal ko na 'yang pasahero. May pag-katahimik rin 'yon."
"May nasasabi po ba s'ya sa inyo tungkol sa pagkatao nya?" Tanong muli ni Thirdy.
"Simula nang araw na 'yon, ikatlo ng disyembre ay hindi ko na sya nakita sa lugar na 'yon. Ang huling sabi n'ya tungkol sa sarili n'ya ay magaling syang mag pinta dahil naman n'ya ito sa nanay n'ya."
"Sige po maraming salamat." Saad ni Apollo, sakto naman na nag-ring ang phone n'ya. "Maiwan ko na ho ka'yo rito." Tumayo ito lumabas.
"Okay! Maraming salamat, Rojas at manong sa pakikiugnayan sa amin. Maaari na po kayong makauwi at ang ating mga driver ang maghahatid sa Inyo." Saad ni Sir Christian.
Nang makaalis ang dalawa ay marahas na inilapag ni Sir Christian ang black folder sa lamesa. "Tangina! Wala tayong napala."
"Sa tingin ko sir, meron naman po." Napatingin kami kay Kim. "Unang una ay nalaman natin na ang Vincent ay may asawa, may kapatid at mag kaibigan na si Carlos at ang ka-batch mate na si Rojas. Ang calling card na may nakalagay na Red sa likuran at si Carlos na may magulang na tinatawag sa pangalang Tita M." Napabuntong hininga ito bago muling nagsalita. "Sa tingin ko ay sapat na 'yon, kailangan nalang natin makuha ang finger prints ng dalawang tao na pinapunta natin kanina."
"Paano? Pababalikin pa natin sila?" Tanong ni Thirdy.
"Nag iisip ka pa ba Thirdy?" Tanong ni Kim. "Hindi ba't may hinawakan si Rojas na folder blue?" Tinuro nya ang folder na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. "We can use it and manong na hinawakan ang upuan."
Pumalakpak naman si Sir Christian. "Exactly! You're great at this."
"Good afternoon sir Christian!" Nalipat ang atensyon namin sa dalawang babaeng pumasok sa loob ng kwarto. Naiwan palang bukas ang pinto kanina. "Ang aming team ay pumunta sa pinangyarihan ng krimen sa Mabini. We found two different finger prints, the other one is not from Vincent who got killed by his friend Carlos. Ang mga kutsilyo na ginamit sa pag-patay kay Vincent at Renzo at parehas lamang ang finger prints na naiwan."
"Our team still looking for Tita M, Carlos' biological mother." Saad ng isa.
"Kapag natunton na ba natin ang Ina nitong si Carlos ay mahahanap na rin natin si Carlos?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yes ma'am, Carlos is Mama's boy and his mother, named Tita M have a boutique shops near our area."
"Sa laki ng lugar natin, kayang hanapin ang boutique na 'yan. Kailangan natin humingi ng tulong sa mga tao." Saad ni Sir Christian bago bumaling kay Thirdy. "Gumawa ka ng rough sketch para mailabas ito sa publiko nang maging aware ang mga tao, mag dagdag narin tayo ng patong sa mga ulo nitong dalawa."
Lumabas na ako ng building nang matapos ang usapan naming lahat at ganon na lamang ang gulat ko nang maabutan si Apollo na nakasandal sa bintana ng sasakyan nya at nag-titipa sa phone na hawak n'ya.
"Hi mahal!" Tinawag ko ito kaya bumaling sa akin ang atensyon n'ya at binulsa ang phone na hawak.
"Hi mahal! Kamusta ang araw mo? Ayos lang ba Ikaw o si Pablo?" Tumango ako.
"Yes mahal, na miss kita ah." I hugged him but he didn't hugged me back. "Tara na?" Pinag-buksan n'ya ako ng pinto.
- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...