CHAPTER 7

77 50 3
                                    

"Subukan mong hanapin sa laptop ni Achilles ang mga pictures, baka nakita niya iyon at binura o kaya naman ay kinuha nya."





Napailing nalang ako nang isipin ang sinabi ni Apollo sa akin. Bakit naman gagawin ni chill yun sa akin. Imposible ang lahat ng iyon.





Pero narito ako sa harap ng computer ni chill, Hating Gabi na at gagawin ko parin ang isang ito. Binuksan ko ang computer pero ganon nalang ang inis ko nang puro loading lang ito.





Mabilis kong tinipa ang passcode ng isang iyon. Swerte naman ako dahil hindi iyon pinalitan ni chill. Binuksan ko ang files nya at swerte naman akong nakita ang photos.





Umawang ang labi ko nang makita ang lahat ng litrato na kinuha ko galing doon sa malaking bahay. Isinaksak ko ang USB ko.





Ganon nalang din ang kaba ko nang marinig ang yapak ng sapatos papunta sa kwarto.





Mabuti nalang ay na transfer na lahat ng pictures galing sa computer ni achilles kasabay nito ang pag bukas ng pinto at tumambad si achilles sa akin.





"Achilles, mahal." Pinalipat lipat nya ang kanyang tingin sa akin at sa kanyang computer.





"Anong ginagawa mo hon?" May pagalala sa boses nito.





"Ah uh nag lalag kasi yung computer ko kaya nakigamit ako sayo hon." Napabuntong hininga muna ito bago ngumiti, lumapit ito sa akin at niyakap ako.





"Nag titiwala ako sayo iris, wag mong sirain iyon." Bulong nya sa akin na ikinataas ng mga balahibo ko.





"Yes mahal, magpahinga na tayo." Kumawala ako sa pag kakayakap nya.





Bago ako matulog ang sinilip ko ang aking telepono, hindi nga ako nag kakamali nag message sa akin si apollo.





From: Apollo

Bukas mag meet tayo sa coffee shop, agahan mo.

To: Apollo

Okay.





Natulog na ako nang maaga at Hindi muna inisip ang mga bagay-bagay.





Lunes, nang magising ako ay wala na si Achilles sa tabi ko. Maaga syang umalis ang pagkasabi ni manang ay may aasikasuhin daw sa opisina.





Umalis na rin ako at Hindi na hinintay na magising si mika.





Nang makarating sa coffee shop ay hinanap ko si apollo. Na sa gilid iyon ng coffee shop at kaunti lang ang tao banda roon.





Inilapag ko sa harap nya ang USB. Ngiti lang ang ibinigay nya sa akin.





"Salamat Iris mas tinulungan mo akong mahuli ang isang iyon." Ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Maya-maya lang din ay nag paalam na ako dahil may pupuntahan pa ako, yung mang Toni. Hindi para mag trabaho kundi para tanungin ang tungkol sa lugar na iyon.





Kumatok ako at sya namang pinag-buksan ako ng gate ni mang Toni.





"Oh iha hindi ka yata naka uniporme ngayon?" Natatawa nitong biro.





"Hindi po ako pumunta dito mang Toni para makipag biruan sa Inyo." Halatang nakuha nya ang sinabi ko kaya pinapasok nya ako sa loob.





I open the recorder and put back in my pocket. Hindi ko pinahalata at wala akong balak ipaalam dahil baka hindi sya mag sabi ng totoo.





"Anong gusto mo malaman?" Seryosong tanong nya nang maka upo kami sa may kubo.





"Lahat po, kanino ang bahay na ito, ano ang mga naririnig kong iyak at mga palahaw noong nakaraang araw?"





"Wala akong alam. Sinabi ko na sa iyo kung kaninong bahay at kung sino ang may ari nito ngayon."





"Yung anak po ano po ang pangalan nya? Sino po sya?" Ngumiti ang matanda nang mapakla.





"Ah ang gwapo kong apo, si Zin."





Ang pangalan na iyon ay pamilyar sa akin narinig ko na ito pero hindi ko matandaan.





- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now