Habang naka tingala sa kisame ng office ay tumunog ang aking telepono.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita kung kanino galing ang mensahe.
From: Chill
Where are you iris? Na sa office ka pa ba? Pupuntahan kita.
Hindi ko nalang sya nireplayan at ibinalik sa table ang telepono at muling nag tipa sa computer.
Hindi pa umabot ng tatlumpung minuto ay may naramdaman na akong isang bulto ng katawan sa gilid ko.
Sinulyapan ko ito. "Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong.
"What's wrong? Okay naman tayo hindi ba? May nagawa ba akong masama iris? Please sabihin mo mahal." Yumuko ito at kinuha nito ang kamay ko at hinalikan.
Hinablot ko sa kanya dahilan para matigilan sya.
"Sumunod ka sa akin. Marami akong itatanong sayo." Inabot ko ang tablet sa table at binitbit iyon pababa ng office.
Nakaupo kami ngayon dito sa lobby ng office. Habang sya ay binubuksan ang dalang pagkain, may cake pa sa gilid ng isang iyon.
"Wala akong gana kumain. Mag uusap lang tayo."
"Hindi pwede babe. Ang sabi ni apollo hindi ka pa raw kumakain."
Napabuntong hininga nalang ako.
"Bakit hindi mo pag silbihan ang girlfriend mo?"
Natigilan ito at tumingin sa akin.
"Babe wala akong girlfriend." Matigas nyang sabi.
"Kaya naman pala sarili mong asawa ay hindi pwedeng makapasok sa kompanya ng asawa nya? Pathetic." Hinawi-hawi ko ang sarili kong buhok habang sinasabi ang salitang iyon.
"Babe wal-"
Pinutol ko ang sasabihin nya. Wala akong oras makinig ng kasinungalingan ngayon.
"Talaga, Sino ito?" Itinapat ko sa pag mumukha nya ang picture nilang dalawa ng secretary nya. "Cute nyo."
Nanlaki ang mga mata nya at kaagad naman lumipat sa akin.
"I-im sorry hon. Sorry, hindi ko na uulitin please lang. Aayusin ko na. I'm so sorry."
Once a cheater, always a cheater.
Tumawa ako nang mapakla. Ganyan na ganyan talaga mga linyahan niya, nila.
Tumayo ako.
"Sorry Mr. Ledezma, marami pa ho akong importanteng gagawin maliban sa makipag usap sa inyo." Ngumit ako sa kanya.
I showed him the smile he will never deserved.
Nag lakad ako pabalik ng aking lamesa nang makita si apollo na nag hihintay doon.
Nang mapansin nya ang presensya ko ang lumingon ito sa akin at tumayo.
"Iris, sorry pala kahapon sa pag trato ko sayo ng masama. I'm sorry."
"Wala iyon ano ka ba, parang mag kadugo na rin tayo." Natigilan ito.
"Ano nga pala ang balita doon kay mang Toni? Napuntahan mo na ba?" Pag iiba ko ng usapan. Alam ko rin na may nararamdaman sa akin si apollo more than just friends."Ahh oo pumunta ako kahapon, magandang balita. Malapit ko na matukoy kung sino ang na sa likod ng mga ito." Kumislap ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.
"Mabuti naman, yung pumatay sa kapatid ni Thirdy natunton na ba? Parang wala na kasi ako nagiging balita doon."
Luminga linga ito sa office bago mag salita. "Ang mas nakakagulat pa doon ang mga sa likod ng patayan na nagaganap ay pare-parehong tao lang." Pabulong nitong sabi.
Napabilib rin ako ni apollo, dahil sa galing nyang mag usisa ng kaso.
"You mean marami sila?" Nag tataka kong tanong.
"Tatlo sila."
- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...