"Alam mo ba ang may ari nito? Nako siguradong maaaliw ka sa ike-kwento ko." Naguguluhan man pero pinilit ko ang ngumiti.
"Ito ay pag-aari ng dalawang mag asawa pero nag kahiwalay ang dalawa dahil sa krimen na ginawa ng lalaki kaya napasa ito ngayon sa anak nilang lalaki. Bihira lamang ang pumunta ang anak nila dito siguro hindi tataas dalawang beses sa isang taon. Kaya ako na ang nangangasiwa dito." Tumigil kami sa isang kwartong napakalumang kwarto.
Nakakadena ito at may butas na sobrang liit sa gilid. Lumapit ako doon at sinilip mula sa maliit na butas pero kaagad akong napahawak sa ilong ko nang makaamoy ko ang masangsang na amoy parang patay na hayop.
Hinila kaagad ako ng matandang lalaki palayo sa pinto. "Huwag kang lalapit dyaan iha. Yan ang ipinagbabawal na puntahan sa loob ng bahay. Kailan man ay hindi pa ako nakapasok sa silid na iyan dahil iyon ang sabi sa akin ng kasama ko rito noon bago sya nawala." Nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabi nyang iyon.
"Huwag kang matakot dahil wala naman mangyayaring masama kung susunod ka lang diba iha?"
"O-opo nga po tay." Ngumiti sya sa akin.
"Bukas ka na mag uumpisa iha, pwede ka naman umuwi kapag Gabi na" Ngumiti ito sa akin.
"Salamat po babalik nalang po ako bukas." Nag paalam na ako dito at sinamahan nya akong lumbas ng bahay.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo ako sa lugar na iyon.
Pag-karating ko sa bahay ay tulog na si mika at manang kaya dumiretso na ako sa kwarto at naabutan ko pang gising ang asawa ko habang may kinakalikot sa computer nya.
"Mahal" Pag-tawag ko rito. Agad naman nya akong napansin kaya pumunta sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Kamusta ang trabaho mahal?" Tanong niya sa akin.
"Ayos lang naman mahal maraming krimen." Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Ikaw mahal kamusta work?"
"Katulad lang din sayo hon."
Kinaumagahan ay hindi ko nakita si chill sa tabi ko kaya sya agad ang hinanap ng mga mata ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay sya rin ang pagputok ng confetti. Natuwa ako nang makita ang mag ama ko na may hawak na cake at si manang ang naka hawak ng confetti.
Lumapit ako sa asawako at humalik sa pisngi.
"Thank you hon, palagi mo talaga akong pinapasaya. I love you."
Inabot nya sa akin ang isang box na kulay itim ang balot na may pink at violet.
Tinanggap ko iyon at lumapit sa anak ko. Kaagad naman nya ako binati.
"Happy birthday mommy." Humalik sya sa aking pisngi.
Tumingin naman ako kay manang na tuwang-tuwa sa amin.
"Thank you so much manang." Lumapit ako rito at niyakap siya.
Binuksan ko ang regalong binigay sa akin ni chill.
Red dress. Ngayon ko lang napagtanto na puro pula ang ibinibigay sa akin ni chill tuwing kaarawan ko. Siguro maganda ako sa kulay pulang damit.
Nilagay ko na ito sa laundry basket para malabhan ang damit sa susunod na linggo.
Narito na ako ngayon sa tapat ng isang bahay. Ako ang mag sisilbing lady guard sa buwan na ito. Kumatok na ako at pinag-buksan ako ng gate.
Suot-suot nya ang kanyang malaking ngiti sa labi.
"Akala ko ay hindi ka na babalik iha."
Ngumiti ito sa akin. Ganon lang din ang ginawa ko sa kanya.- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...