Ibinaba ako ng tricicle sa isang iskinita na maraming bata ang naglalaro na may hawak na tsinelas at pinapatamaan ang nakatayong lata.
"Excuse me" Tinawag ko ang isang dalagita na nakaupo at may hawak na bote ng tubig. "Kilala mo ba si Vincent Garcia?" Tumango ito kaya lumapit ako at umupo sa tapat n'ya.
"Yung pinatay po ba nang madaling Araw?" Tumango ako nang mabilis.
"Paano mo nalaman? May alam ka ba na kahit kaunting information about sa pag-kamatay n'ya?"
"Nang mga oras po na 'yon, gising pa po ako at narinig ko nang may naguusap at nag iinuman sa tapat ng bahay namin. Pero nawala po 'yon nang lumabas ang isang lalaki na naka jacket galing sa bahay nila kuya Vincent."
"Ano pa ang natatandaan mo? Meron pa ba?" Tumango ito.
"Nang nakita n'ya po ako ay napagmasdan ko ang mga mata n'ya. Singkit po 'yon at may makapal s'yang kilay na may matangos na ilong at maputing balat."
"May naaalala ka pa ba? 'yung amoy n'ya, anong klaseng amoy ang meron s'ya?"
"Nang makita ko po s'ya ay kaagad n'yang tinakpan ang kan'yang mukha at mabilis na nag-lakad palayo. Pero may narinig po ako taxi na umalis papalayo nang araw na 'yon."
"Thank you, thank you so much. Huwag ka rin sanang mag-salita kahit kanino na nagbigay ka sa akin ng impormasyon." Tumango naman ito.
Nang puntahan ko ang bahay ay nakakandado 'yon at maraming tsinelas ang na sa labas. Sakto naman ang pag-lapit ng isang babaeng sa tingin ko ay may asawa at anak.
"Hi ma'am, I'm Iris Delara Astrid. Pwede po ba kayo makausap sandali?" Matagal itong tumitig sa akin.
"Ay nako kung tungkol 'yan sa kaso, ayaw ko'ng madawit dyaan." Aalis na sana ito pero pinigilan ko s'ya kaya mabilis n'ya akong naitulak papalayo kaya tumama ako sa pulang gate. Mabilis ko namang hinawakan ang tiyan ko.
"K-kahit sandali lang po, pangako hindi po kayo madadawit dito." Nakumbinse ko naman s'ya kaya sumama s'ya sa akin patungo sa karinderyang malapit sa lugar.
"May alam po ba ka'yo sa pangyayari or kahit sa biktima?"
Napabuntong hininga ito at muling nag-salita. "Ayaw ko sanang madawit dyaan ineng dahil may limang taon pa akong anak. Ang tanging alam ko lang ay may matalik na kaibigan 'yang si Vincent, ang pangalan naman ay Carlos. Lagi silang magkasama mula pag-kabinata nitong si Vincent at Carlos pero isang araw, sa hindi malamang dahilan ay bigla nalamang itong nawala si Carlos. Pag-karaan naman ng ilang linggo ay sumunod itong si Vincent at nalaman ko nalang na nag-tayo na ng boutique."
"Mayaman po ba itong si Vincent?"
"Ang mas masinop sa kanilang dalawa ay si Carlos dahil sa angking galing nito sa pag-pipinta. Nang kabataan pa n'yan ay sikat na sikat 'yan dito sa lugar. Si Vincent naman ay suportadong-suportado si Carlos."
"Ang hinahanap po kasi namin ay ang pumatay kay Vincent. Sa tingin niyo po, si Carlos po ang pumatay sa kaniya?"
Umiling ang babae.
"Hindi, matalik silang mag-kaibigan at halos magkapatid na rin ang turingan pero bumalik itong si Vincent sa lugar na ito na walang-wala, nagulat nalang kami isang araw patay na itong si Vincent."
Napasinghap ako sa hangin. "May asawa't anak po ba itong si Vincent?"
"Nang pumunta ito sa ibang lugar ay ang sabi-sabi ay nakapangasawa ng isang babae na tindera sa palengke pero walang nakakalaam kung sino ang babae na 'yon."
"Mayroon pa po ba ibang impormasyon?" Umiling ito.
"Wag sana akong madawit sa mga ganitong pangyayari iha."
Tumango ako. "Makakaasa ho ka'yo."
- Binibining Lara
![](https://img.wattpad.com/cover/314778241-288-k863379.jpg)
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...