CHAPTER 31

49 6 0
                                    

Habang pinaglalandas n'ya ang dulo ng baril pababa ng aking t'yan ay bumukas ang pinto at iniluwa n'yon ang aking kasama kanina. Sinipa nya ang pistol na hawak ni Asher kaya napunta 'yon sa sahig. Mabilis tinutukan ng baril ng kasama ko si Asher.






"Gumalaw ka! at magiging 9:55 am ang oras ng pagkamatay mo!" Nag-aligagang tumayo nang maayos si Asher. Hindi mo mababakasan ng takot sa kan'yang mukha. "Tarantado ka Asher, Nag panggap kang si Apollo. Niloko mo kami, pinaikot mo ang mga ulo namin." Umatras ako palapit sa pinto at tumama ang aking katawan sa isang bulto ng katawan.






Nang sulyapan ko ito ay, nakatingin din ito sa akin at pagkaraan ay pumagitna sa dalawa. Ang bawat kurba ng mukha n'ya, ang makapal n'yang kilay, manipis na labi at matangos na ilong ay katulad na katulad ng kay Asher.






"A-apollo?" Gulat na tanong ni Asher. "Brother? Ikaw ba 'yan?" Ngumisi ang lalaki.






"You lose the game." Maikling saad nito at nagsimulang bitbitin ang kapatid habang nakahawak sa kan'yang mga posas.






Nag tataka ko namang sinulyapan ang aking kasamang pumunta dito. Ganon lang din ang emosyon ng mukha n'ya, may pagtataka. "Anong nangyayari?" Mahinang saad ko sa sarili habang sinundan ang dalawa.






Nang makalabas ay naabutan namin sina Sir Christian, Thirdy, Kim at iba pang mga pulis. Mabilis kong nilapitan si Kim at niyakap ko s'ya.  "Hindi ko na yata kaya Kim." Humikbi nang humikbi.






"You did a great job, Iris. Magaling kang detective, nalagpasan mo ang mga problema. Maisasara na natin ang kaso." Mabilis akong tumango.






"Salamat, Kim. Kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko." Nilagay n'ya ang kamay n'ya sa likod ko at hinimas-himas 'yon.






"Tama na, 'wag ka nang umiyak. Tapos na, nangyari na. Ang isipin mo nalang ay si Pablo at Mika. Palakihin mo sila nang maayos, nang mag-isa." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya at sinulyapan sila Apollo at Asher.






"Pasensya na ka'yo dito, Sir. Suwail talaga ito." Tinulak n'ya ang kapatid papasok ng police car.






Ang mga napagtanto ko sa lahat ng nangyayari ay walang mapupuntahan at walang mapapatunguhan ang paghihiganti sa kapwa. Kundi, mag mumukha ka lang kawawa dahil hindi mo kayang paunlarin ang sarili mo at mas pinipili mo na masaktan ang kapwa mo. Hindi lahat ng tao na naghihiganti ay nag wawagi, ang isa ay napunta sa kulungan.






"Mommy!" Masiglang sigaw ni Mika. Kumikinang ang kan'yang mga mata. Pero napawi 'yon nang hindi n'ya makita si Apollo sa likod ko. "Where's daddy?" Nakanguso s'ya habang nakatingin sa likod ko kaya umupo ako sa sahig at hinawakan ang magkabilaang braso n'ya.






"Umalis na si daddy, nasa moon na s'ya!" Pinilit kong pasiyahin at pagaanin ang loob ko.






"Moon? Bakit s'ya doon pupunta? May work ba s'ya doon? Kasama na n'ya si daddy Achilles?" Tumango ako at iwinaksi ang luha na nagbabadya na namang mahulog.






"Mag kasama na sila sa Moon, 'wag mo na silang hanapin dahil hindi na sila babalik." Hinawakan ko ang kamay n'ya at sinamahang kumain sa kusina. Habang si manang naman ay nag aayos ng pinamili n'ya, ang mga gamit ni Pablo.






Nagiipon na rin ang ako ng pera para sa panganganak ko, kailangan kong kumayod dahil wala na ang susuporta sa amin.






Habang na sa loob ng kwarto ay hinalungkat ko ang kabinet na lagayan ng personal na gamit ni Asher, kaya pala hindi n'ya ito pinabubuksan sa akin dahil may tinatago s'ya. Kinuha ko ang isang Valid I'd at binasa ang pangalan n'ya.






Asher Daliz






Kasunod naman na kinuha ko ay marriage certificate namin, peke pala ito. Tangin* nya, binayaran lang pala n'ya ang nagkasal sa amin para sabihing kasal kami. Pinunit ko ito at nilukot.






Malaki ang pagkakaparehas nilang dalawa, ni Apollo at Asher pero ang pinag-kaibahan ay may tattoo sa likod si Apollo samantalang si Asher ay wala.






- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now