Lunch time namin kasalukuyan akong kumakain na karinderya kasama ko si apollo.
"Tinatanggap ko na pala yung offer mo." Sabi ko at tinuloy ang pag kain.
Naramdaman kong natigilan sya pero agad naman naka bawi.
"Talaga Iris? Thank you so much you saved me." Pinasadahan ko sya ng tingin.
"Saved? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
"Kasi naman itong kabilang opisina, sa akin ba naman ibinigay yang crime ako daw ang mag invistigate." Ramdam ko ang irita sa boses nya.
"Oh ano naman ngayon kung sayo nga ibinigay?"
"Iyang factory na yan, dyaan ako ang part time job umalis lang ako dahil grabe mang-abuso ng workers yung boss halos sipain ka ba naman."
Nakaramdam ako ng pinag-halong takot at pangamba.
"Don't worry iris hindi ka aapihin doon lady guard lang ikaw hindi taga pack." Inirapan pa ako ni Apollo.
"Sira ka talaga Apollo." Inirapan ko rin sya at tinuloy ang pag kain ng nilagang baka.
"Sis mars alam mo ba yung krimen na binalita? Yung namatay ang isang detective na lalaki?" Tumango ako. "Sayo daw mapupunta yun."
"Bakit naman sa akin? Ang dami kong gagawin e, sino nag sabi?"
"Si sir Christian" Bahagyang lumingon sa likod ko si apollo kaya tumingin din ako sa likod ko.
Si Achilles.
"Hon." Bati ko rito at tumayo ako para yakapin sya.
"May dala akong pagkain hon kaso kumain ka na pala. Sayang naman. Kaagad ko kinuha ang dala nyang pagkain.
"No, no its okay hon kakainin ko yan kahit busog na busog pa ako." Hinalikan ko sya sa kanyang pisngi at ngumiti sya.
"Aalis na ako hon. Dinalhan lang kita ng lunch, I love you." Paalam nya
"I love you too hon thank you sa food." Nakangiti lang ako sa asawa ko hanggang sa makalayo ang sasakyan nya.
"Ang swerte mo talaga sa asawa mo Iris, tingnan mo may pa food pa si Chill." Tumingin nya sa orange bag na hawak ko. "Pahinge" Parang batang nanghihingi si Apollo nakanguso pa ito.
Nag hati na lang kami sa isang friend chicken, malaki naman ito kaya kasya sa aming dalawa.
Bukas na pala ang birthday ko, halos nakalimutan ko na sa sobrang busy ko sa trabaho.
"Kailan pala ako pupunta doon apollo? sa factory?" Seryoso lang itong nakatitig sa sahig habang nag lalakad kaming dalawa pabalik ng office.
"Kung pwede sana ay ngayon na kaagad iris?"
"Uh ganon ba? Sige pupunta ako mamayang hapon." Tango nalang ang ginawa nya.
Kasalukuyan kong inaayos ang gamit na dadalhin sa pag apply bilang lady guard, ang sabi nila ay hindi naman mabigat ang trabaho tanging taga bukas lang ng gate at taga bantay sa mga papasok sa loob.
Walang nakaaalam kung anong klaseng bagay ang inaalok dito. Dati daw itong pagawaan ng mga de lata.
Kumatok ako isang gate na puro kalawang na pero matibay pa rin ang pagkakakabit. Pinag-buksan ako ng isang matandang lalaki na may hawak na walis. Sa pagkawari ko sya ang care taker nila. Ang buong akala ko ay isang factory pero isa itong bahay. Napakalaking bahay.
Iginala ko ang aking mata sa kabuuhan ng paligid, maraming nag kalat na tuyong dahon at tahimik ang labas.
"Ano ang iyong pinasok dito iha? Lady guard ka ba?" Tanong sa akin ng isang matandang lalaki habang sinasamahan akong pumunta sa loob para tingnan ang kabuuhan ng bahay.
"Buti na lamang at may nag lakas loob rin ang sumubok ng trabaho na ito, lahat kasi ng pumunta ay umalis rin." Natatawang pag kewkento nya. Wala naman nakakatawa dahil kung bibigyan ako ng pagkakataong tumakbo dito ay ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil kailangan kong alamin kung sino ang nag papatakbo nito.
- Binibining Lara
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...