CHAPTER 23

32 7 0
                                    

"Nag iisip ka pa ba, Iris?! Kung mapahamak ka at 'yang anak mo, gagastusan namin 'yan dahil dito ka nag hahanap buhay sa company namin." Iyan kaagad ang bungad sa akin ni Sir Christian.





"Pasensya na sir. Pero marami naman po akong nakalap ng impormasyon." Saad ko habang pinapaikot ko ang aking inuupuan na swivel chair.





"Ano?" Inilapag n'ya ang folder na hawak, pinagsiklop ang mga dalira at ipinatong doon ang kan'yang baba.





"Ang pinag hihinalaan ng kapit-bahay nila na pumatay kay Vincent ay si Carlos."





"Sinong Vincent?" Tanong Meiko. "Ito ba ang pangalan ng pinatay? Bakit hindi n'yo sinabi sa amin kaagad?"





"Si Kim ang unang nakaaalam. Kung hindi ko tinanong ay hindi n'ya rin sasabihin"





Sumagot si Kim. "Excuse me? Hindi ko naman alam na kailangan talag-" Napahinto s'ya nang marinig naming hinampas ni Sir. Christian. "Sorry sir." Tinikom n'ya ang bibig.





"Saan kayo makakarating n'yan kung puro pag-aaway ang alam n'yo?" Bumaling sa akin ang atensyon ni Sir Christian. "Continue."





"Yung Carlos na pinaghihinalaan ay bigla-bigla nalang nawawala. No one knows kung nasaan na ba s'ya ngayon. But someone saw the killer, the killer have narrow eyes, thick eyebrows, sharp nose and white tone skin."





Tumikhim si Kim. "So si Carlos 'yon?"





Umiling ako. "I haven't confirm yet but this guy Carlos have a batch mate, nakatira ito malapit sa lugar nila."





"Anong pangalan?" Kinuha ni Meiko ang papel at nag hahandang isulat ang sasabihin ko.





"His name was rojas." Huminto ako nang may maalalang bagay. "Can i see the body of victim?"





"Halika sa laboratoryo."





Nang makapasok sa loob ng labaratoryo ay pinag-suot muna kami ng mask. Nilapitan ko ang bangkay ni Vincent.





I examine his face, Kitang-kita ko na may pasa s'ya sa bandang mata at ang labi ay pumutok. "Binugbog ba muna ang biktima?"





"Ano sa tingin mo ang ginawa sa kanya?" Bigla-bigla nalang sumusulpot si Thirdy.





"Sa tingin ko ay sinuntok muna s'ya bago pag-sasaksakin."





"Ganon na nga! Pero bakit kailangan n'yo pa kausapin ang ka-batch mate nitong si Carlos?" Sinulyapan ko si Thirdy.





"Bakit naman sa tingin mo na hindi ko kakausapin si Rojas?" I sighed. "Alam ko na magaling kang detective, Thirdy. Alam mo na ang ganitong bagay. Hindi mo kailangan mag tanong pa."





"Yeah right, lalabas na ako. See you tomorrow."





"Kaninong kaso ang hawak mo?" Natigilan s'ya sa pag-lalakad at lumingon sa akin.





"I don't know, we don't know. Mahirap hanapin ang killer. Marami na kaming pinagtanungan kung kilala ba nila ang biktima pero walang nakapag-sabi. Sa tingin ko kailangan na namin isara ang kaso."Tumigil ito at muling nag salita. "Pero may nakita akong red marks on his left left foot." He left me dumbfounded in the laboratory.





Hindi pwedeng isara lang nila ang kaso na hindi nabibigyan ng parusa ang gumawa nito. Ang lahat ay may karapatang makatanggap ng hustisya.





Ibinalik ko ang aking mga mata sa bangkay at napukaw ng atensyon ko ang isang marka na nasa kaliwang kamay nito. Nang puntahan ko ito, akala ko ay dugo lamang o dika'y pasa pero isa itong ink.





"Nurse?" Tinawag ko ang isang babae na nag-aayos ng gamit sa di kalayuan.





"Yes ma'am?" Lumapit ito sa akin at kaswal na ngumiti. "May kailangan po kayo?"





"Anong ang red marks na ito? Ka'yo ba ang nag-lagay?" Sinundan naman ng babae ang itinuro ko.





"Hindi po, tatanungin ko po sana ka'yo pero naunahan n'yo ako."





Mabilis akong tumakbo palabas ng labaratoryo at sinalubong naman ako ni Kim. "Bakit nagtatatakbo ka? May nangyari ba?" Tanong n'ya sa akin.





"Nasaan si Thirdy?" Nagulat naman ito sa ekspresyon ng mukha ko.





"Nasa laboratoryo ng kasong hawak n'ya."





Malalaki ang hakbang ko patungo sa isang labaratoryo. Hindi na ako kumatok at malakas 'yon na binuksan, tila nagulat sila nang makita akong na sa loob.





"Why are you here, Iris?"





"N-nakita ko a-ang kaparehas na red na marka sa kaliwang kamay ni Vincent."





"So sinasabi na iisa lang ang gumawa nito sa kanila?" Tanong ni Kim sa likod ko.





Tumango ako. "I think yes." Hinihingal pa rin ako.





"Ano naman ang kinalaman nitong kasong hawak ni Thirdy sa kasong hawak mo?"





Pinasadahan ko ng tingin ang bangkay na nakalagay sa mahabang stainless na hinihigaan n'ya. Ang mga kurba ng mukha at ilong ay parehas na parehas kay Vincent, ang mga pilik mata ay ganon din ang haba.





"They are siblings." Nakita ko na dumaan sa kanilang mata ang pag-kagulat.




- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now