CHAPTER 5

89 54 0
                                    

Narito ako ngayon sa loob ng malaking bahay at nag lalakad habang inililibot ang paningin sa mga picture ng frame lumang-luma na ito pero hindi maalikabok dahil merong nag lilinis pero kahit anong alaga mo sa isang bagay, kapag tumatagal ay mas lalong marurumihan.





Habang may maliit na gadget na may kakayahang makakuha ng litrato.





Kinuhaan ko ng litrato ang patak ng dugo, mga bagay na may mantsa ng dugo at kwarto na may masangsang na amoy. Ang daanan na pasikot-sikot at madilim.





Hawak-hawak ang patay na flash light ay umakyat ako sa hagdan, hindi ko pa ito na akyat dahil hindi naman ako sinamahan ni kuya Toni, ang matandang lalaki.





Pag-kaakyat ay tumambad sa akin ang isang malaking kwarto sa gitna ng 2nd floor at ang sa labas ay puro sirang upuan kung tatawagin ay basement.





Nang malapitan ng harapan ay puro kalmot ang mga kahoy na nag sisilbing harang sa mga pader at mga dugo sa sahig, kinuhaan ko ito ng litrato at ibinalik sa bulsa ko.





Na sa harapan ako ng kwarto ngayon, akin sana itong buksan nang may humila sa akin paalis ng lugar na iyon.





Nag-tatakang nakatingin ako kay mang-toni na hinihila ako pababa ng hagdan. Bakit bawal ako doon? Nag babantay lang naman ako.





Pinaupo nya ako sa kubo na nasa gilid lamang ng gate ng bahay.





"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo iha doon?" Tanong nito sa akin. Galit sya.





"Iikutin ko lang po sana ang bahay nang makita ko iyon ay umakyat po ako, pasensya na po." Pagsisinungaling ko sa kanya.





"Bawal ang sino-man doon." Natigilan ako. "Hating Gabi na, pwede ka nang makauwi. Bukas na lamang ulit, linggo pala bukas walang pasok. Mag kita nalang tayo ulit sa lunes."





Kumaway nalang ako kay mang Toni at lumabas ng bahay na iyon. Nagtataka ako kung bakit ganon ang ikinikilos ng matanda.





Nang maka-rating sa bahay ay tulog na si mika kaya ang dating gawi ay didiretso na sa kwarto napansin ko namang wala pa si Chill sa kwarto, siguro ay hindi pa nakauuwi.





Nagising ako sa tunog ng phone ko galing sa side table. Kinuha ko ito at tumambad naman sa akin ang pangalan ni apollo.





"Hello Apollo?" Tawag ko rito.





"Iris kailangan ka pumunta dito sa office ngayon din. Kailangan ang reports mo."





Pagkatapos ay binaba nya na ang tawag. Tumayo ako at hinanap ang maliit na gadget na ginamit ko kagabi, ang pag kakatanda ko ay na sa bulsa iyon ng uniporme ko pero hindi ko iyon makapa.





Sakto naman ang pagpasok ni chill sa kwarto.





"Chill naki-" Itatanong ko sana kung nakita nya pero pinutol nya ang sasabihin ko.





"Looking for this?" Itinaas nya ang bagay na hinahanap ko nga. Paano iyon napunta sa kanya? Ayaw ko nalang mag isip ng ikakasakit ng ulo ko.





"Yes iyan nga hon." Lumuwag ang loob ko nang ibigay nya sa akin iyon. "Thank you hon." Yayakapin ko sana sya pero lumayo ito kaya tumitig ako sa kanya. "Why hon?"





Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.





"Are you hiding something from me iris?" Natauhan ako nang tawagin nya ako sa pangalan ko.





"No, ofc no chill. Bakit ko naman gagawin iyon? Mahal kita chill."





- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now