CHAPTER 10

70 44 0
                                    

"Hon here drink some water muna, everything will be alright, trust me." Gumaan naman ang pakiramdam nya nang sabihin ko iyon.





"Please mahal sabihin mo sa kanilang hindi ako iyon, iba iyon hindi ako."





Kanina nya pa iyan sinasabi.





"Mahal kita okay? Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin?" Pagkatapos kong sabihin iyon ay sya rin kasabay ng pag ring ng telepono ko.





"Hello? Is this Zin?" Tanong ng nasa kabilang linya.





"No. This is Iris Achilles' wife."





"Okay Hello Mrs. Ledezma kailangan ay ma- interview ang inyong asawa ngayong alas tres ng hapon."





"Maaari ba na ako nalang ang pumunta? May sakit ang asawa ko. Isa akong detective, hindi ko kakampihan ang asawa ko at mahal ko ang trabaho ko." Pag sisinungaling ko.





Halata naman na naniwala ito kaya pumayag.





"Salamat." Sabi ko ibinaba ang telepono.





Bumaling ako kay Chill na kasalukuyang nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi ko.





Lumapit ako dito at hinalikan ang kanyang labi.





"Mahal kita Achilles, hindi ka nila pwedeng makuha sa akin."





Nang makapasok sa lugar ng pag-gaganapan ng interview ay hindi ko maiwasang humanga sa kagandahan ng lugar na ito maraming mga palamuti at kolorete sa lugar.





Iginaya ako ng isang babae papunta sa isang room, napakaraming camera man sa paligid at reporter.





"Ma'am"

"Ma'am"

"Ma'am"





Ma'am dito ma'am doon, napakaraming reporter pero iisa lang ang mga tanong.





Umupo ako sa upuan at tumingin sa nakakasilaw na flash ng camera.





"Isa-isa lamang po ang tanong." Saad ng isang lalaki na may hawak ng microphone. Binigyan nya rin ako ng isang mic. Ganon din ang reporter, may kanya-kanya silang mic.





"My husband is not a killer." Kaagad lumakas ang bulungan sa paligid.





"Kaya kong patunayan na hindi asawa ko ang na sa kumakalat na video footage. Hinalungkat ko ang gamit ng asawa ko at wala akong nakita kahit isang patalim doon, bakit iyon ang ipinapataw niyo sa kanya?" Tumikhim ako. "Achilles and I have a daughter, hindi papasok si Achilles sa ganyang uri ng gulo. That's all everyone thank you for your understanding." Tumayo na ako sa kinauupuan at umalis ng lugar na iyon na punong-puno ng kasalanan ang bibig.





"You're so great mahal." Sinalubong ako ni chill pag uwi ko sa bahay at ganon din si mika.





"Wow mommy you're so beautiful kanina sa tv and you're so brave like wonder women, no wonder nahulog sayo si dad, I want to be strong and be a beautiful detective like you mommy. Please tell me how to be like you."





No mika, duwag si mama. Huwag kang gagaya sa akin. Takot akong mawala ang mga tao sa buhay ko.





"Syempre naman kapag lumaki ka na, magiging katulad ka ni mama, strong!" Hinawakan ko ang pisngi nya at pinisil. "You're already beautiful okay?" Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya.





"Everyone knows that we are happy family. Nabubuhay kamj sa kasinungalingan.





Napailing ako habang pumasok sa isip ko ang alala na iyon matapos maalala ang mensaheng natanggap ko kagabi.





Habang kumakain ng agahan parang bumabaliktad ang sikmura ko ng maamoy ang luto ni manang. Hindi naman ako ganon kaarte sa pagkain, ngayon lamang.





Tumakbo ako sa sink at doon inilibas.





Pumasok sa utak ko na baka ako ay buntis pero kaagad ko rin iyon iwinaksi. Baka naninibago lang ako.





Hindi ko na naman naabutan si chill sa bahay, palagi ang pag-alis nya nang maaga at late rin umuuwi sa gabi minsan ay hindi pa.





Naalala ko ang sinabi ng guard.





"Kasama nya po ang girlfriend nya." Iyon siguro ang dahilan ng pag-alis nya nang maaga.





Uminit na naman ang sulok ng mga mata ko, kaagad ko rin pinunasan.





Kailangan ko maging malakas, para sa anak ko.





- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now