"Mommy, mommy" paulit ulit na tawag sa akin ng anak ko.
"Why baby? Do you need something?" I asked her.
Pinakita nya ang kanyang kamay na may limang stars na nakatatak dito.
"My teacher gave me stars dahil mabait daw po ako." Tumingin sya sa suot ko.
"Wow that's great, good job sweetie" I kissed her on forehead. Her emotion suddenly change. Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.
"Are you leaving me again?" Ito na naman tayo sa mahabang pagpapaliwanag.
Napabuntong hininga muna ako ako bago mag salita. "May work si mommy para makapag aral si mika." Ginawa kong masaya ang boses ko.
Ipinakuha ko nalang kay manang para mabihisan si mika. Umalis na rin ako ng bahay.
Hindi ako gaanong kilala bilang detective pero maraming kumukuha sa akin tulad na lamang na mag spy. Napakahirap mag spy lalo na kung matalino ang kalaban mo. Pwede ka nilang maamoy base sa kinikilos at pinagsasabi mo.
I've invistigate a lot of crimes dito sa amin at iba-iba rin ang galaw ng suspect. May ibang detective din ang na sa harap na ang sagot pero pinipilit mag akusa ng iba.
My parents believe that I'm a great detective. Hindi pa ako lumalagapak sa serbisyo.
Sa labas ng aming opisina ay isang karinderya, doon ako kasalukuyang kumakain dahil hindi pa ako nag agahan.
Habang kumakain ay nakikinig ako sa isang radyo na nakalagay sa ituktok ng stante.
Isang lalaking imbistigador patay at natagpuang naka handusay sa gilid ng highway pasado alas otso kagabi. Hindi pa natutukoy ang salarin matapos walang naiwang bakas ng kahit anong pag patay. Ngunit nakita ang isang mini knife malapit sa area ng krimen.
Ang kaso na yan ay pasa-pasa na lamang. Walang nakakatukoy sa suspect, baka bukas ang kaso na naman na yan ay mapapasa sa amin. Itinuloy ko nalang ang pagkain pero narinig ko ang paguusap ng dalawang babae sa aking tabi.
"Habang dumaan ako dyaan sa highway na yan kagabi ay may nakita akong isang lalaki. Takot na takot ako hawak nya lang ang katawan at parang nagtapon lang ng basura sa kalsada. Ang daming dugo sa katawan nya naka kotse sya gray ang kulay nun." Habang tiningnan ko ang kausap nya ay tahimik lang itong kumakain.
Bumalik na ako sa opisina at nakita si apollo sa table nya kaya binati ko sya. "Apollo kamusta ang kaso?" Patawa-tawa kong tanong sa kanya.
"Iris kailangan ko ng tulong mo." Ang isang Apollo? Hihingi ng tulong sa akin? Isa sya sa malapit kong kaibigan sa opisina. Kilala rin sya bilang isa sa pinaka-magaling na detective.
"Sure ano ba yan?" Lumapit ako sa kanya para makita ko ang na sa computer nya.
"Kailangan kita para mag spy doon sa isang malaking mabahay. Tamang-tama ay hiring sila ng lady guard para mag bantay sa factory." Kumunot ang noo ko.
"Paano kung mahuli nila ako? May anak pa ako Apollo."
Napabuntong- hininga na lamang ako "Sige pagiisipan ko iyan."Kumaway nalang ako sa kanya bilang senyas na aalis na ako.
Kaya nga ako nag detective para makatulong sa nangangailangan. Aanhin ko pa ang sarili ko kung naduduwag akong isugal ang buhay ko.
- Binibining Lara
![](https://img.wattpad.com/cover/314778241-288-k863379.jpg)
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...