CHAPTER 28

30 6 0
                                    

Mahimbing na akong natutulog ngunit naudlot 'yon nang makaramdam ako ng gutom kaya bumaba muna ako. Hindi ko rin makita si Apollo, siguro ay na sa banyo.





Habang kumukuha ng pagkain sa refrigerator ay may marinig akong nag tatankang buksan ang pintuan ng bahay. Sinara ko muli ang refrigerator at dahan-dahang naglakad palabas ng kusina.





"Sino 'yan?" Tanong ko pero walang sumagot, nag lakad ako nang mabilis para kuhain ang glock pistol ko sa drawer na naroon sa sala. "Sino ka?!" Sigaw ko, pero patuloy parin ang paghawak n'ya sa door knob.





Dahan-dahan akong napaatras nang unti-unting bumukas ang pinto, niluwa ng pintuan ang isang matangkad na bulto ng katawan. Hawak ko ang glock pistol at itinapat 'yon sa mukha n'ya.





Unti-unti s'yang lumalapit, ang bawat mabilis hakbang n'ya palapit sa akin ay ganon rin kabilis ang tinitibok ng puso ko. "Sino ka? Anong kailangan mo?! Wag kang lumapit, itatama ko 'to sa'yo."





Nakasuot ito ng itim na hoodie jacket at naka-suot ng bota puro putik ang sahig namin unti-unti n'yang tinanggal ang suot ng hoodie na tumatakip sa buong mukha n'ya.





Gulat ang namayani sa aking mukha. "Apollo? Mahal?" Ibinaba ko ang hawak na pistol at lumapit sa kan'ya.





"Natakot ba kita, mahal?" Tumango ako nang paulit-ulit at niyakap s'ya.





"Saan ka ba kasi galing? Hating-gabi na oh!" Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kan'ya.





"Nag pahangin lang naman ako mahal, tara na matulog na tayo." Inalalayan n'ya akong umakyat ng hagdan.





Tangina, nawala gutom ko doon ah. Bulong ko sa aking isip, hating-gabi ba naman ay aalis itong asawa ko. Hindi ko alam kung anong tinatago sa akin ni Apollo, nag papahangin pero naka-suot ng hoodie jacket at naka-suot ng bota.





Tanghali na nang magising kami. Nag presinta naman si Apollo na ihatid ako. Habang nagmamaneho si Apollo papunta sa office ay nakikinig kami sa balita, habang ako ay umiinom ng kape.





Isang babae, patay nang matagpuan ang kan'yang katawan malapit sa abandonadong perya sa Mabini, bandang alas-dos ng Umaga. Walang naabutan ang pulisya na suspect sa pinanggalingan ng krimen. Patuloy pa rin ang pagiimbestiga ng ating mga pulisya.





Inabot ko ang aking phone at nakita ang maraming message ni Kim at Thirdy.





"Mahal? Alam mo ba yung Perya sa Mabini?" Napansin ko ang pagiging tulala ni Apollo kaya kinalabit ko s'ya. Tila bumalik naman s'ya sa wisyo at tumingin sa akin.





"Ano mahal? Sorry?" Umiiling-iling ako.





"Wala." Maiksing tugon ko.





Nang makarating sa office ay bumungad sa akin si  Kim. Namumula ang mga mata nito at mapapansin ang pagiging balisa n'ya. "Iris." Tawag nito sa akin at yumakap. "Iris, wala na si Meiko." Halos manghina ang tuhod ko sa narinig, ganon din ang pag-sabay na pagbuhos ng luha ko.





"N-nasaan s'ya, Kim? Nag bibiro ka lang hindi ba?" Umiling ito.





"Wala na s'ya, Iris. Pinatay s'ya, pinatay si Meiko." Tanging hikbi lamang ni Meiko ang naririnig sa buong lobby.





"Shh, tahan na. Mananagot sa atin at sa batas ang gumawa sa kan'ya ng ganon."





Nang pumunta kami sa abandonadong perya ang nakita namin ang dalawang magkasintahan ang magkayakap habang kinakausap ni Sir Christian.





Lumapit ako sa kanila at nakinig sa usapan. "Anong ginagawa n'yo dito, lovers?" Tanong ni Sir Christian sa kanila.





"N-narito po sana kami para i-celebrate ang birthday ni Kumi, nang makita n'ya ang katawan ng isang babae na nakaupo sa kabilang peris wheel at wala ng buhay."





"Anong oras n'yo nakita ang katawan?" Tanong naman ni Thirdy.





"Pasadong alas dos ng Umaga nang mag diwang kami ng kaarawan n'ya, ganitong oras ho kasi s'ya ipinanganak pero nauwi 'yon sa ganitong sitwasyon." Saad ng lalaki habang ang mga kamay ng babae ay nanginginig.





"Huwag kayong mag-alala, ligtas na kayo ng kasintahan mo." Hinimas-himas n'ya ang braso ng lalaki.




- Binibining Lara

His Hidden Past | COMPLETEDWhere stories live. Discover now