"Sinabi ko naman na sa'yo, Iris na h'wag ka na mag-trabaho dahil narito naman ako lagi sa inyo ni Mika at para kay Pablo."
Umiling ako. "No need, Apollo. Mas hinahanap-hanap talaga ito ng puso ko at diba nga mas gusto mo na mapalapit sa'yo si Mika. Iyon nalang ang gawin mo, matutuwa pa ako." Ngumiti ako sa kan'ya.
Nang makarating sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni manang at ni Mika. "Mommy! Tito-daddy!" Kaagad naman s'yang binuhat ni Apollo.
"How's your day, sweetie? Ilan ang stars mo, patingin nga si daddy." Inilahad naman ni Mika ang kamay n'ya sa harap ni Apollo at gumuhit ang lungkot sa mukha n'ya.
"Mika received five stars only because I threw a paper on the floor and my teacher saw what I did."
"It's okay, Mika. But next time, don't throw paper on the floor okay? Your teacher might scold you the next time you did it again." Tumango naman si Mika.
"Manang paki-handa na po ng hapunan, kakain na po tayo." Magalang kong saad. Tumango naman s'ya at mabilis kumilos.
"What happened sa case na hawak n'yo ngayon, Iris?" Tanong sa akin ni Apollo habang nag sasandok ng kanin.
"Hmm, 'yong kay Vincent ba?" Tumango ito. "Hmm mahirap e dahil hindi ko pa nakapanayam yung asawa n'ya. Hihintayin ko pa na mag bukas muli ang palengke para doon s'ya makita."
"Sino daw ang suspect?"
"Sa ngayon ang nakalap ko palang ay si Carlos daw, yung matalik na kaibigan nitong si Vincent."
"May mga nakalap na ba ka'yo na evidence sa si Carlos nga ang pumatay?" Tanong nito muli.
Sumulyap ako sa kan'ya. "Teka nga, bakit parang interesado ka sa kasong hawak ko?"
Natigilan ito. "Laman kasi 'yon ng balita."
"Ah, Meron na akong hawak na copy ng cctv footage at meron na rin akong nakalap na iba pang information about sa kanilang dalawa." Sumubo ako ng ulam at muling nagtanong. "Nga pala, si Tita Maddie. Diba may boutique rin s'ya?"
"Y-yes, Bakit naman?"
"Kakausapin ko lang s'ya. Free ba s'ya bukas?"
"Hindi ko sigurado." 'yon lang ang tanging naisagot n'ya.
Tanging tunog lang ng kubyertos ang namamayani sa hapag nang magsalita si Mika. "Daddy, saan po kayo pumunta kanina? Bakit n'yo po kasama si Tito Rojas?"
"Rojas?" Tumingin ako nang maayos kay Apollo. "Sino si Rojas, mahal?"
"Ah Client ko lang sa Mabini. Kaya nga ako doon galing kanina diba?" Tumango naman ako.
"I see." Tumingin ako sa kanilang tatlo. "Kain na."
While examining all my folders on my desk. I heard my phone beeped. Inabot ko 'yon at binasa.
From: Kim
Maaga daw bukas sabi ni Sir Christian. Good luck nalang sa'yo, Iris. Sinabi ko na sa'yo na h'wag kang nag sosolo dahil buntis ka.
Napailing nalang ako at kinuha ang pen at isang papel sa loob ng cabinet. Habang inaabot ko 'yon ay nadaanan ng aking daliri ang isa pahabang bagay, nang sulyapan ko ay isang paint brush.
"Mahal? Andito ang paint brush mo. Sa'yo ba ito?" Tinawag ko si Apollo.
"Saan mahal?" Nang tuluyan itong lumapit sa akin ay inabot ko 'yon sa kanya.
"Bakit narito 'yan? Hindi ba dapat na sa painting room mo?"
"Na-missed place ko lang, mahal. Matulog ka na, maaga ka pa bukas."
He kissed my forehead. Ang sarap sa pakiramdam na may uuwian kang mahal sa buhay. I love Apollo so much.
- kiwisena_
YOU ARE READING
His Hidden Past | COMPLETED
Mystery / ThrillerAchilles is a man who hides his identity and past from his wife Iris, a female detective. They are the perfect family: A loving couple with a daughter who adores her parents so much. She starts her new life with her new husband, Apollo. But, the pro...